"Nagtapat rin tayo, Kapatid." Sambit ni Feya.
"Hindi ko nais na tinatawag mo ako ng ganiyan." Sagot ni Shi-meyah. "Wala akong kapatid na bato ang puso at sarili ang iniintindi."
"Tanggapin mo man o hindi, iisa lang ang ating Ama." Sinugod ni Feya ang kapatid gamit ang sandata nito ngunit mabilis na nakaiwas si Shi-meyah.
"Oo nga't iisa ang ating ama." Malakas na suntok ang ibinigay nito kay Feya. "Ngunit hindi ka kailanman nanggaling sa aking Ina. Hindi ka prinsesa, isa kang bastarda na nabuo sa tukso."
"Eishte ka!" Sinugod ni Feya ng saksak si Shi-meyah na hindi niya naiwasan. Nagkaroon ng sugat na malaki si Shi-meyah sa tiyan.
"Hireyo! Ang anak natin!" Sigaw ni Reyna Wynona. "Eishte ka, Molina!" Malakas na sinugod ng Reyna si Molina at pinugutan ng ulo.
Nang makabagsak si Shi-meyah sa kaniyang mga tuhod ay kasabay ng paglabas ng dugo sa bunganga niya. Napangisi si Feya at sasaksakin na sana ng sandata ang kapatid nang biglang humarang ang kanilang ama para protektahan si Shi-meyah.
"Ama!" Mabilis na hinugot ni Feya ang sandata.
"A-Ama?" Bumagsak si Hireyo sa bisig ni Shi-meyah at habol-hiningang tumingin sa anak. Lalapitan sana ni Feya ang Ama nang lumusot ang pana ni Estino sa kaniyang dibdib. "Ama?" Hindi pinansin ni Shi-meyah ang pagbagsak ng katawan ni Feya sa harap niya. "Bumangon ka na. Ama, bilisan mo na."
Masayang ngumiti ang Hari habang may luha na nabuo sa mga mata ni Shi-meyah. "Ang ganda talaga ng prinsesa ko."
"Ama, bumangon ka na. Tama na iyan." Humawak si Hireyo sa pisngi ng anak at naluha.
"Kay tagal na kitang hinintay na tawagin ako niyan. Kung uulitin ko lang ang mga kasalanan na nagawa ko noon ay hindi na sana ako umalis sa tabi niyo ni Wynona. Hindi ko sana nakilala si Molina at hindi ka na sana nawala sa akin." Nahihirapang sambit ng Hari. "Shi-meyah...mahal na mahal kita. Mahal na mahal."
"Higit pa sa kayamanan ng buong kaharian?"
Natawa saglit ang Hari. "Higit pa sa sarili kong buhay."
"Ama...iiwan mo na ako? Maghihiwalay na naman ba tayo?"
"Sa susunod...na buhay, anak hindi na ako magkakamali. Mamahalin kita at mananaig ang pagmamahal ko kaysa sa takot ko. Ikaw ang aking kayamanan."
Humagulgol na ng iyak si Shi-meyah nang magsara na ng tuluyan ang mga mata ng kaniyang Ama. Hindi na mapigilan ni Shi-meyah ang emosyon at ang walang buhay na katawan ng kaniyang kapatid ay kaniyang pinira-piraso bago maging abo na lang ang mga ito.
"Shi-meyah!" Napabaling siya sa Ina na nilapitan siya at pinakalma. "Nasa mabuti na si Hireyo, anak."
Tumayo si Shi-meyah at pinagmasdan ang paligid.
"Mula ngayon, wala nang Talarin ang magdurusa sa kanilang pinuno." Sambit nito. "Ako...si Shi-meyah Talia, anak ni Wynona at Hireyo ay tinatanggap ang pagiging Reyna ng buong Taladtarin."
Sa oras na matapos na ang labanan ay ibabalik na namin ang mga katawan ng dalawang Hari sa palasyo namin. Nadatnan namin sa palasyo si Acariya at Eduardo na binabantayan nina Ehra ng mabuti.
"Anson!" Mabilis niya akong niyakap at huminga ng malalim. "Anson, mabuti at buhay pa kayo." Niyakap ko siya ng sobrang higpit, alam kong kakailanganin niya ng lakas. "Nasaan si Ama?" Magiliw niyang tanong habang nililinga ang mga mata. "Ama?" Bumitaw siya sa akin at hinanap ang aming Ama. "Anson, sumagot ka! Nasaan ang aking Ama?!"
"Acariya, tumigil ka." Mabilis na lumapit si Ina at niyakap ang aking kapatid ng mahigpit. "Huminahon ka bago mo siya makita."
"I-Ina...nasaan ang aking Ama?" Pilit niyang kumawala sa bisig ni Ina pero natigilan na siya nang makitang pinapasok na ng mga kawal ang malamig na katawan ng aking ama. "H-Hindi..."
"Acariya, kumalma ka muna." Sambit ni Ina at niyakap siya ng mabuti. "Kumalam ka, anak. Nasa mabuting kamay si Lorencio."
"Ina...hindi pwede." Malakas na humagulgol si Acariya sa bisig ng aming Ina. "P-Pwede ko ba siyang lapitan?" Bumitaw si Ina sa kaniya kaya nilapitan na niya si Ama. "Ama...bakit mo ako iniwan kay Anson?" Napatingin ako kay Acariya, bastos. "Bakit...kapag naging Hari ba siya sasaya ka na? Hindi mo naman pwedeng iwanan kami bigla!"
"Tama na." Sambit ni Estino at hinila si Acariya palayo sa aming ama. "Ilabas mo lang lahat." Tumayo si Acariya at tumakbo paalis. "Susundan ko siya."
Nilapitan ako ni Clea at kinamusta.
Magiging maayos ang lahat...magiging maayos kami.
BINABASA MO ANG
Under the Night's Moonlight
FantezieSa ilalim ng liwanag ng buwan...naging malaya sila. Naging magkaibigan sila, paano kung sa ilalim ng liwanag ng buwan ay masaktan sila? "Inaamin mo na?" "Hindi ka mahirap mahalin, Anson. Pasaway ka pero may bait ka na. Kaya mo na ang sarili mo." Jan...