"H-Hindi.." Bulong ko. "Clea hindi ka pwedeng umalis."
Napatingin silang lahat sa akin. Alam kong mali...alam kong kaya kong mapahiya pero wala akong ibang binibigyan ng pansin kundi ang diwatang may suot na bistidang kulay Lila at may patusok na tenga. Hindi siya pwedeng mawala sa akin. Kailangan ko siya.
Mahal ko siya...
"Anson...maaari ba kitang kausapin?"
"Clea bakit ka aalis? Alam kong ito ang itinadhana pero wala ba talagang rason para maiwan ka rito? Wala ba talagang rason para...para naman manatili ka sa tabi ko?"
"Anson, halika." Inalis niya ako sa Valdena at pinunta sa karagatan ng Elfregoa. "Anson may pamilya ako...kahit gusto ko rin manatili rito ay may buhay ako. May pamilya ako, may responsibilidad ako!"
"Eh paano na ako?" Huwag namang ganito. Masyado pa akong nasasaktan sa pagkawala ng aking Ama, idagdag mo pa na wala na akong magulang at sa akin umaasa ang buong Valdena. "Clea mahal kita, hindi mo ba nararamdaman iyon?"
"Anson alam ko. Alam ko kaya nahihirapan akong gawin ito." Sambit nito habang naluluha. "Parang-awa...huwag mo akong pahirapan ng ganito. Sabihin mong hindi mo ako mahal."
Hindi ako makapaniwala...gusto niyang gawin ko ang isang bagay na kahit ikabubuti niya ay ikakasira ko.
"Clea ibasura mo na lang ako pero huwag ang pagmamahal ko para sa'yo." Sagot ko. "Gimban! Bakit ba ganito?!"
"Anson bata pa tayo! Hindi mo masasabi na mahal mo nga talaga ako! Imposible iyon kasi wala pa tayong alam sa pagmamahal!" Sigaw nito habang pinupunasan ang luha.
Namumula na siya sa galit, hindi ko kayang makipaglaban sa kaniya pero kailangan ko pa rin...kailangan ko siya.
"Oo't bata pa tayo...pero Clea, alam ko ang ibig sabihin ng pagmamahal. Ayon ay kapag nakikita kita." Sagot ko at naramdaman ang bigat sa dibdib ko. "Clea...handa na akong maging isang Hari pero gusto kong ikaw ang aking Reyna. Mahirap bang ibigay sa akin iyon?"
"Anson, parang-awa na...mahirap pa." Sambit nito.
Hindi ko kaya. "Sige. Umalis ka na. Sige umalis ka, umalis ka at sana hindi na kita makita!" Nanlaki ang mata ko sa nasabi ko. Babawiin ko sana kaso masyado pang malaki ang nasasakop ng galit sa puso ko. "Doon ka na sa responsibilidad mo dahil ngayon ay pinalalaya na kita."
"Anson."
"Diba ayan ang gusto mo? Pwes, ibinibigay ko na sa'yo. Maging masaya ka na sa buhay mo dahil sa susunod na mga paggising mo ay wala na ako. Gusto mo 'yan diba? Sige ibibigay ko sa'yo. Umalis ka na at burahin mo na ang parte ko sa buhay mo."
"Ganiyan ka ba talaga kapag nasasakop ng galit?" Tanong nito.
"Gusto mong umalis...pinapalaya kita." Sambit ko habang pinipigilan ang kirot sa dibdib ko. "Kasi Clea kaya kong ibigay ang gusto mo...kaya kong ibigay ang buong kayamanan ko para sa'yo, para sa ikakasaya mo kahit mawawasak ako, Gimban!" Naupo na ako sa buhangin habang umiiyak. "Kung aalis ka sana naman umamin ka na rin na mahal mo ako kasi hindi ako naniniwalang kaibigan lang ako sa'yo."
"Anson tama na...kaibigan lang-."
"Clea, may pinanghahawakan ako." Sambit ko habang tinititigan ang palubog na araw at ang pagsikat ng buwan. "Clea...ramdam ko. Maraming beses na hindi lang kaibigan ang tingin mo sa akin."
"Mahirap simulan ang relasyon kung mahihiwalay ako sa'yo." Sambit niya habang umuupo sa tabi ko.
Natawa ako saglit pero ramdam pa ang sakit sa puso ko. "Inaamin mo na?"
"Hindi ka mahirap mahalin, Anson. Pasaway ka pero may bait ka na. Kaya mo na ang sarili mo."
Nawala ang ngiti sa aking mga labi.
"Kaya ba iiwan mo na ako? Kasi alam mong kakayanin ko? Dahil alam mong kaya ko?"
"Iiwan kita kasi may buhay ako na akin...malayo sa'yo. Ito ang nakatadhana." Sambit ni Clea. "Basta kapag naaalala mo ako ay tumingin ka lang sa buwan." Sambit niya at humawak sa kamay ko. "Kasi lagi kong pagmamasdan ang mundo mo, mula sa kinatatayuan kong mga bato."
"És taryla aiyo." Bulong ko at hinalikan ang ulo niya.
"És taryla aiyo, aking Hari."
Pinagmamasdan lang namin ang buwan noong may narinig kami kaya napatingin ako sa likod. Ang aking Ina at ang iba pa naming kasamahan.
"Aalis na kami mga anak." Sambit ni Ina kaya tumayo ako at niyakap sila ni Acariya ng mahigpit. "Aalagaan mo ang Prinsesa, Anson."
"Masusunod, Ina." Sambit ko.
Nakita kong humalik ang Reyna Wynona kay Shi-meyah.
Sa isang kurap ay hawak-kamay silang kinuha ng malaking liwanag. Wala na sila...wala na ang magulang ko. Wala na akong karamay.
"Clea?" Narinig kong sambit ng Punong diwata. "Aalis na rin tayo."
"S-Sandali." Sambit ko dahilan para mapatigil sila. "Clea."
Inagaw ko siya sa kaniyang Milarya at mahigpit na niyakap. Ayaw kong bitawan ang babaeng nagpaniwala sa akin na may magmamahal sa akin ng buong-buo.
"Babalik ka ba?"
"Pipilitin ko, Anson." Sagot niya sa akin.
"Hihintayin kita." Sambit ko at binitawan na siya. "Kahit hanggang huling hininga ko."
Hinalikan ko siya sa labi habang tumutulo ang luha ko. Bumalik na siya sa kaniyang Milarya at may binulong ang punong-diwata.
Nakakasilaw na liwanag ang kumuha sa kanila, pagmulat ko ay wala na sila. Nanginig ang mga binti ko habang nakatitig sa malaking buwan. Wala na talaga siya.
"K-Kapatid?" Narinig ko si Acariya. "Halika na?" Sambit nito habang niyayakap ako.
"Mauna ka na, Acariya." Sambit ko. "Guillermo, dalhin ang Prinsesa sa palasyo at pakainin niyo. Pagkatapos ay patulugin niyo na siya."
"Masusunod, Mahal na Hari." Sambit nito at inuwi na si Acariya.
Nang mawala na sila ay tuloy na akong bumagsak, kanina pa akong nagpipigil dahil Hari na ako ngayon at hindi nila kailangang makita na nahihirapan ako.
"AHHHHHHHHH!"
Lahat ng mahal ko...iniiwan ako. Hindi ko gustong iyon ang maramdaman ni Acariya, hindi ko siya iiwan dahil kami na lang ang magkasama. Hindi ko siya hahayaang masaktan ng ganito.
A/N:Epilogue next.
![](https://img.wattpad.com/cover/244613416-288-k612083.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Night's Moonlight
FantasySa ilalim ng liwanag ng buwan...naging malaya sila. Naging magkaibigan sila, paano kung sa ilalim ng liwanag ng buwan ay masaktan sila? "Inaamin mo na?" "Hindi ka mahirap mahalin, Anson. Pasaway ka pero may bait ka na. Kaya mo na ang sarili mo." Jan...