Habang dinadala na namin ang katawan ng aking Ama sa Quirell ay hindi ko napigilang mapalinga sa Hari ng Xelvania. Sa tatlong kaharian namin, siya na ang namumuno na hindi na namin ka-edad. Alam ko rin na nahihirapan siya sa nangyayari, hindi lang mga kapwa Hari niya ang nawala. Hindi rin kaibigan kundi isang pamilya na.
Alam kong marami silang magkakaibigan. Kasama na roon ang aking mga magulang...ang natira na lang sa kaniya ay ang aming Heneral at si Ehra.
"Lorencio...m-matapang ka diba?" Sambit ng Haring Arturo aa aking Ama. "Hindi na kita kayang sabihan na kaya mo iyan kapag sa tingin mo ay hindi. Makakaraos naman ako diba? Magiging masaya naman ako...kahit wala na kayo ni Hireyo."
"A-Arturo." Tawag ni Ina sa Hari at niyakap ito. "Makakasama na niya ako. Magkikita na kami. Huwag kang mangamba, ipaparating ko sa kaniya na mahal na mahal mo siya. Pangako, kaibigan."
"Salamat, Pristillana." Ngumiti sandali ang Hari. "Hindi ko kayang makitang inililibing ang katawan ng aking kaibigan. Pupuntahan ko si Hireyo bago nila ilibing ang Hari sa isang silid."
Pinanood lang naming umalis ang Hari na luhaan. Hindi ko kakayanin ang kundisyon niya. Nawalan siya ng apat na kaibigan...Lima pala dahil minsan na rin nilang naituring na kaibigan si Molina.
Nilapitan namin ni Acariya ang katawan ni Ama at hinaplos. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ang aking pamilya. Nasira na ako noong nawala si Ina...hindi ko na kayang masira pang muli.
Pero sa lagay kong ito, napapaisip na ako kung buo pa ba ako? Na kaya ko pa ba ito? Na ako na talaga ito.
"Ama." Sambit ni Acariya habang pinupunasan ang mga luha. "Andito ako...nakikita mo ba ako?" Mas lalo lang siyang naluha sa sinabi. Nakasanayan na ni Acariya na sasagot ang aming Ama.
"N-Nakikita ka niya, Acariya." Ako na ang sumagot para kay Ama.
Nang mailibing ang kaniyang katawan ay muli kong binuksan ang liham na iniwan sa akin ni Ama para mabasang muli ito.
Anson,
Sa oras na mabasa mo ito ay...nagpapahinga na si Ama. Magpakatatag ka dahil kailangan ka ng buong Valdena at ng kapatid mo. Naiwan ko man kayong dalawa ni Acariya ng ganito kaaga ay hindi ito hadlang sa pagiging masaya ninyo. Huwag niyong gawing dahilan ang aking kamatayan para magbago. Lalo na sa'yo...aking Haring Anson. Ipinagkakaloob ko sa'yo ang buong kaharian ng Valdena, ang trono, korona at espada upang magampanan mo ng maiigi ang pagiging Hari. Si Acariya naman ay malaya na sa kanilang nalalapit na kasal ni Estino. Alam kong iyon ang gusto niya...kahit nangingiba na ang puso niya. Ayaw kong nagmamahal si Acariya dahil sa utos ko, mahalin mo si Acariya upang mahalin siya ng lalakeng karapat-dapat sa kaniya. At sa'yo naman...hindi ko hinihiling na pakawalan mo siya dahil alam kong mahal mo ang diwata pero Anson kung bibitawan mo siya...umasa ka na babalik siya. Asahan mo na kapag bumitaw ka ay kusa siyang babalik dahil gusto ka niyang makasama. Hindi napipili ng puso ang gusto nitong mahalin, Anson. Desisyon niyong dalawa kung paano kayo magpapatuloy kung hiwalay o magkasama.
Nagmamahal hindi ang Hari kundi...
Ang iyong Ama, Lorencio
Muli kong itinago ang liham at pumunta sa Elfregoa kung saan nais naming manatili hanggang sa pagsikat ng araw. Nakikiramay na rin ang mga Denian sa amin.
Kalat na sa Taladtarin ang totoo at bukas ng umaga ay kokoronahan na si Shi-meyah kaya naririto sila sa karagatan ng kaniyang Ina para magsaya bago kami makoronahan. Nais nilang isabay ang aming pagiging Hari at Reyna kaya ito ang mangyayari.
May pagsabog na naganap sa gitna ng dagat ng Elfregoa kaya napatakip kami sa mga mata namin. Tinanggal ko ang aking kamay at nasilayan ang babaeng may kakaibang kagandahan. Kulay Abo ang kaniyang mga mata at matalas ang kaniyang tenga.
"Kesorya?" Sambit ni Ina.
"Pris..." Natigilan ito nang makita si Ina. "Akala ko ba-." Napabaling rin ito kay Reyna Wynona. "Wynona?" Tumingin ito sa kalangitan at napangisi. "Eishte ka, Dayang."
"Milarya!" Sigaw ni Clea at tumakbo patungo rito.
"Aricleana!" Sigaw nito sa diwata. "Tapos na ang Enero 28, bakit naririto ka pa?! Anong buwan na? 26 na ng Abril!"
"Aricleana?" Bulong ni Shi-meyah. "Akala ko ba Clea lang ang kaniyang ngalan?"
"Hindi ko...alam." Napagtanto ko na marami akong hindi alam kay Clea.
![](https://img.wattpad.com/cover/244613416-288-k612083.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Night's Moonlight
FantasySa ilalim ng liwanag ng buwan...naging malaya sila. Naging magkaibigan sila, paano kung sa ilalim ng liwanag ng buwan ay masaktan sila? "Inaamin mo na?" "Hindi ka mahirap mahalin, Anson. Pasaway ka pero may bait ka na. Kaya mo na ang sarili mo." Jan...