Chapter:19.1

4 2 0
                                    

Sa harap ng dalampasigan ng Elfregoa ay sinugod namin ang hukbo ng Taladtarin. Kahit saan kami pumunta, kahit anong gawin namin ay mananaig ang kabutihan namin.

"Clea, dito ka lang." Sambit ko habang hinihila si Clea.

Nais kong makalaban ang prinsesa na si Feya, nakita ko siyang mapait na nakangiti sa harapan namin. Napatingin siya sa kamay ko kaya tinignan ko rin iyon...bakit niya titignan ang kamay namin ni Clea?

"Anson...sobrang sama ng ugali mo." Sambit nito habang napuputol ang boses. "Bakit siya pa? Simula noon ako na ang nasa tabi mo!" Sinugod niya si Clea ng saksak pero mabilis itong naharangan ni Nilalang.

"Feya, ako ang kalabanin mo!" Sigaw ko nang mapabitaw ako kay Clea. "Wala siyang kasalanan sa galit mo!"

"Anson...tama na. Hindi ako pinalaki ng magulang ko na ganito! Oo nga't mahal kita pero-." Hindi niya naituloy nang ambahan niya si Clea ng isa pang saksak. "Pero sobrang sakit na...alam ba niya na hinalikan mo ako noon? Ha?!"

Natigilan si Clea kaya mabilis siyang nasaksak ni Feya sa parteng walang kalasag.

"Sinira mo lahat! Magiging akin sana siya kung hindi ka dumating!" Sigaw nito habang tinatanggal ang espada kay Clea. "Mamatay ka na!"

"Feya!" Sigaw ko habang papalapit sa kanila. Hinawakan ko ang mga braso niya at ginasgasan ang likod nito. "Huwag na huwag mong sasaktan si Clea."

Natawa siya ng mapakla. "Alam mo? Pare-pareho kayo. Papaasahin niyo ako na mahal niyo ako pero hindi pala."

"Tumigil ka na, Feya." Sambit ni Clea. "Hindi pa huli ang lahat, pwede ka pang magbago!"

Napatingin si Feya kay Nilalang na parang nandidiri dito. "Wala kang alam! Hindi ako magbabago para sa kahit na sino!" At tumakbo na siya palayo sa amin.

Hahabulin ko sana siya kaso narinig ko ang daing ni Clea kaya inuna ko siya. Sabi na nga ba't hindi ko dapat siya sinama dito, mapapahamak lang si Clea sa digmaan na ito. Hihilumin ko sana ang kaniyang sugat kaso umayos na bigla ito na parang mahika.

"Hindi mo ako kailangang alalahanin, Prinsipe." Sambit nito na may ngiti sa mga labi.

Kaya hawak-kamay naming nilabanan ang mundo, saka lang niya ako binitawan noong tumulong siya sa mga sugatan. Pinuntahan ko si Ina na kinakalaban si Molina.

"Nagtapat na rin tayo sa wakas, Pristillana." May masamang ngiti na sambit ni Molina.

"Wala kang puso, Molina. Sinira mo na nga ang buhay ng asawa ko, sinira mo pa ang buhay ng kaibigan ko?!" Galit na inambahan ni Ina si Molina ng saksak pero hindi ito natamaan. "Hindi ka karapat-dapat mamuno sa Taladtarin. Si Shi-meyah dapat!"

"Tumigil ka!" Sigaw ni Molina at tinutok sa akin ang espada niya. "Kung gusto mong makasama na ang anak mo, sige! Maligaya ko siyang papatayin sa harap mo mismo!"

"Anson!" Sigaw ni Ina. "Ang kapangyarihan mo, anak!"

Sinubukan kong tanggalin ang porselas ko pero huli na noong naramdaman ko ang pagdiin ng espada ni Molina sa aking katawan.

"Gimban!" Sigaw ni Ina at sinugod si Molina. "Idamay mo na lahat, huwag lang ang aking anak."

Sa gitna ng kanilang laban ay nawalan ng balanse si Ina kaya mabilis siyang naitulak ni Molina at susugurin sana ng espada kaso biglang humarang ang aking Ama.

"Lorencio!" Sigaw ni Ina. Kumapit si Ama kay Ina noong tumakas si Molina kaya nilapitan ko rin sila. "Lorencio, ano ba?!"

May kinang sa bawat ngiti ng aking Ama habang tinitignan ang aking Ina. Sa kalagayan niya ngayon...mukhang tanggap niya.

"May nakapagsabi na ba sa'yo na...kasing liwanag mo ang bituin?" Hindi na nakaimik si Ina nang umiiyak siya habang hawak ang aking Ama. "Hindi mo hinayaang mamatay si Anson...hahayaan ba kitang mawala ng tuluyan sa mundo ko?"

"Lorencio...hindi naman niya ako masasaktan." Sambit ni Ina. "Kailangan ka pa ni Acariya at Anson."

"Si Acariya...malakas siya. Kayang-kaya niya sa piling ni Anson." Tumingin sa akin si Ama at humawak sa aking mukha, pinunasan niya ang luha na pumatak sa aking pisngi. "Alagaan mo siya ah? Mahal...na mahal ko kayong dalawa."

"Ama...bakit mo ba kami iiwan?"

"Hindi ko na kaya, Anson. Wala sa aking tabi si Pris, parang araw-araw akong pinapatay." At tuluyan na ngang nagsara ang kaniyang mga mata.

"A-Ama?" Sambit ko sa kaniya. "AHHHH!" Kasabay ng aking sigaw ang pagbagsak ng aming kalaban.

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon