Kapag ang tao napuno na ng negatibong kaalaman, hindi lang utak ang sarado kundi pati na rin ang puso.
Kaya bago magsarado ang puso ni Clea ay dapat makausap ko na siya. Tinakbo ko ang distansya namin nang mapansin ko siyang tahimik na gumagala sa aming palasyo. Tumigil ako at hinawakan ang braso niya para makausap ng maayos. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko pero wala na ang atensyon ko roon, kailangan kong maging mabuti kay Clea.
"P-Prinsipe." Natatakot niyang sambit.
"Patawad." Sabi ko at naramdaman ang kirot sa puso nang maalala ang mga oras na iniiwasan niya ako. "Patawarin mo ako, ginawa ko ang lahat para makausap ka pero parang wala kang gustong gawin na iba kundi iwasan ako."
Tinanggal niya ang kapit ko sa braso niya at ngumiti.
"Prinsipe, iniiwasan kita dahil alam kong kakausapin mo ako."
Nangunot ang noo ko sa kaniya. "Alam mo pala, bakit hindi mo ako hinayaang umimik?"
"Kasi sinabi mo, huwag kang kausapin hangga't hindi ko napapagisipan ang ginawa ko." Sambit niya. "Hinayaan muna kitang magpalamig ng ulo."
"Labing-tatlong araw?" Asik ko.
"Oo." Sambit niya at pasimpleng tinago ang ibabang labi sa pamamagitan ng pagkagat rito. "Kasi...baka mali ako. Ayaw ko kasing kapag kaharap kita ay may mali kang makikita sa akin. N-Nakakahiya."
Bakit siya mahihiya sa akin? Norml lang na magkamali siya. Wala akong hinahangad na perpekto sa kaniya.
"Hindi mo naman kailangan maging perpekto sa harapan ko. Tanggap kita...ang buong ikaw. Ang buong diwata na nasa harap ko ngayon." Nakangiti ako habang inikot siya. "Clea, hindi mo kailangang maging perpekto kasi mahal-...tanggap kita kahit ano 'man ang mali na sa tingin mo ay nasa sa'yo."
"Tanggap mo ang buong ako? Ang mga hindi kanais-nais sa akin?"
Ngumiti ako at niyakap siya. Tinignan ko siya sa mata. "Kahit mas marami pa iyan kaysa sa mga taong naninirahan sa Valdena. Kahit mawalan ako ng karapatan na maging hari, tatanggapin ko iyan basta ikaw."
Tinitigan niya ako saglit bago humiwalay sa yakap. Tipid siyang ngumiti at nagpaalam na aalis pero humawak ako sa kamay niya at pinagugnay ang aming mga daliri. Natigilan siya at tumingin sa aming kamay.
"Maayos na ba tayo? Magkaibigan na ba tayo?" Nagaalalang tanong ko.
Ngumiti siya at tumango. "Oo, magkaibigan na ulit tayo."
Umalis na siya at naramdaman kong parang tumatalon ang puso ko. Napansin ko rin na kanina pa akong hindi humihinga kaya napabuga ako ng hangin. Tinignan ko ang kamay ko at unti-unting napangiti. Yrven ka, Anson. Napakayrven mo.
Hindi mo 'man lang naisipan na baka hindi siya kumportable sa ginawa mo. Nawala saglit ang aking ngiti at napaisip ako. Hindi niya ako gustong mahawakan?
Dumaan ang ilang mga araw at nakita kong tumatakbo ang Heneral patungo sa silid ng aking Ama, kaya sinundan ko siya dahil nagaalala din ako. May masama akong kutob sa mga inukit ko sa hinaharap.
"Mahal na Hari." Bati niya sa aking Ama. "May balita ako."
"Ano iyon, Heneral?"
"Pinadala ng kaharian ng Taladtarin ang senyas na magsasagawa ng ikalawang digmaan laban sa kanila." Natigilan ako sa sinabi niya.
Mangyayari na ang ikalawang digmaan. Ibig sabihin nito ay babalik na si Clea sa buwan. Sinandal ko ang aking katawan sa gilid ng pintuan sa silid ng aking Ama at mapait na ngumiti.
"Nagkaayos na tayo...pero malapit na ang iyong pagalis."
Napatingin ako kay Ama at sa aming Heneral na kakalabas lang ng silid. Bumaling sila ng tingin sa akin pero nawalan ako ng ganang kausapin muna sila. Dumiretso ako sa silid ni Clea at nakita kong humihikbi na naman siya kaya nilapitan ko siya para damayan. Niyakap niya rin ako ng mahigpit.
"Shhh." Sambit ko. "Tahan na."
Binaon niya ang mukha sa dibdib ko at mas lalong humikbi. Hinayaan ko na lang kasi normal lang na umiyak.
"Ang aking...pamilya, Anson." Natigilan ako sa sinabi niya. "Nangungulila na ako sa kanila."
Gusto kong manatili siya rito pero hindi ko kakayanin kung sa oras na kasama ko siya ay hindi siya masaya.
"Gusto kitang ipagdamot." Bulong ko habang pinipigilan ang luha. "Pero mas gusto kitang sumaya."
"Anson...wala ba talagang paraan para makauwi na ako?"
Niyakap ko siya ng mahigpit. Ayaw ko siyang bitawan sa isipin na baka kapag bumitaw ako ay mawala siya. Sanay na ako na naririto siya kaya hindi ko alam kung paano ako masasanay nang wala na siya.
Pinaghandaan namin ang digmaan na mangyayari sa pagitan namin ng Taladtarin. Sinabihan na rin namina ng Xelvania at alam na rin nila kung bakit biglaan ang pagkakaroon ng digmaan. Si Estino ay nasa kanilang kaharian para magensayo. Sa amin kumampi ang Xelvania sapagkat ang mga Pinuno ng Talarin ay may masamang ginawa sa Reyna ng Xelvania.
Si Eduardo ay itinago muna ng Hari ng Xelvania sa isipin na mas makabubuti na huwag muna siyang isalang sa labanan.
"Haring Arturo." Sambit ni Acariya na nagulat sa nakikita.
"Prinsesa." Bati ng Hari.
"Bakit ka naparito, Arturo?" Tanong ni Ama.
"Ang mga Talarin." Sambit ni Haring Arturo. "Nagsagawa ng digmaan dahil sa galit ng prinsesa na hindi ikasal kay Anson." Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Napakatalino mong bata."
Napagdesisyunan na dito muna sa Valdena mananatili ang Hari at ang kaniyang mga anak. Gabi na at inaabangan ko ang pagdating ni Estino, sabi sa akin ni Ama na natutulog na si Clea sa silid ko dahil doon muna si Estino at Eduardo sa silid ni Nilalang.
Nakarating na sa wakas si Estino at Eduardo. Tinagpo ko sila sa harap ng palasyo at pinapasok. Nakita namin si Acariya na umiinom ng tubig at hindi niya suot ang singsing at kuwintas. Tanging asul na pangtulog lamang at ang kaniyang buhok ay nakalugay. Napatingin ako kay Estino na ngayon ay seryoso na at gusto mamahinga.
Ang ipinagtataka ko ay bakit hindi sila sa silid ng kanilang Ama natulog? Marami pa din naman ditong silid na pwede nilang tuluyan pero bakit kay Clea pa? At bakit sa akin siya sumama?
"Mamahinga na kayo." Sambit ko. "Maaga pa tayo bukas, Estino. Lalaban ka rin sa digmaan."
Tumango siya at nilapag si Eduardo sa kama. "Sige, salamat."
Pumunta ako sa aking silid at nakita kong si Clea ay nakatulog sa may bintana. Nilapitan ko siya at binuhat papunta sa aking kama.
"Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Ayaw ko sanang baguhin ang nakaukit sa bituin na aking ginawa. Wala sa propesiya na mahuhulog ako sa'yo."
Bakit ba ako nagiging ganito sa'yo?
![](https://img.wattpad.com/cover/244613416-288-k612083.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Night's Moonlight
FantasySa ilalim ng liwanag ng buwan...naging malaya sila. Naging magkaibigan sila, paano kung sa ilalim ng liwanag ng buwan ay masaktan sila? "Inaamin mo na?" "Hindi ka mahirap mahalin, Anson. Pasaway ka pero may bait ka na. Kaya mo na ang sarili mo." Jan...