Sinasamahan kami ni Clea sa pageensayo. Bumalik na sa ayos ang kaugalian ni Estino, hindi ko alam kung bakit bigla siyang nag-iba pero wala na sa akin iyon. Basta nasa tamang kaisipan siya sa oras ng digmaan.
"Anson!" Napatigil kami ni Estino dahil sa sigaw ng aking kapatid. Lumapit si Acariya at natigilan nang makit si Estino. "Nais iparating ni ama na ipagkakaloob niya sa'yo ang korona sa oras na mawa-."
"Ano na naman ba ang nasa isip ni ama, Acariya?" Naiinis na sambit ko. "Hindi siya mawawala. Wala sa propesiya na mamamatay siya." Hindi ko na gustong pakinggan ang sasabihin niya.
"Hindi ko alam ang gagawin sa inyong mag-ama." Naiinis na sambit ni Acariya at umalis na.
Napansin kong pinagmasdan ni Estino ang papalayong bulto ni Acariya at napabuntong-hininga. Binalik niya ang atensiyon sa akin at nagsimula kaming muli.
Buong maghapon kaming naglalaban at napapansin kong mas lumalakas at tumatapang si Estino. Nang matapos kami ay nginisian ko siya dahil kanina pa niyang gustong umalis. Tila...kanina pa siyang hindi maayos nang makita si Acariya. Nagaaway na naman ba sila?
Sinamahan ako ni Clea sa Polira. Ang dating tirahan ng mga diwata noong hindi pa natutupad ang propesiya na balang araw ay magiging delikado kami. Hindi na ako naniwala sa bagay na iyon. Masyadong inosente si Clea para maging delikado. Malapit lamang ang Polira sa Quirell kaya hindi ako nagtataka na mabilis nakilala ni Ama ang aking Ina.
"Ang tela!" Napabaling ako kay Clea.
"Ano iyan?"
"Ito ang tela na nagbibigay lakas sa punong diwata. Naiwan ito ni Milarya noong lumisan sila sa mundo patungo sa buwan. Ito ang dahilan kung bakit naging mortal lamang si Pristillana, pero nasa kaniya pa rin ang kaniyang kapangyarihan kasi walang ibang tagaukit ng haharapin kundi siya."
"Anong kayang gawin nito?" Tanong ko.
"Sa oras na magkarron ng pagkakataon...sana mabalikan ko ang oras na binago mo ang nakaraan."
Nalungkot ako sa sinabi niya. Alam kong hindi siya masaya sa ginawa ko, alam na alam kong hindi maganda ang ginawa ko pero wala akong pagsisisihan dahil hindi ko magiging kaibigan si Clea.
"Sasabihin ko sa'yo, tagalan mo ang pagkakataon na andito ako." Napatingin ako sa kaniya. Tumingin siya sa akin at mapait na ngumiti. "Ayaw kong umalis. Ayaw kitang iwan. Ayaw kong sa oras na wala na ako ay saka mo lang malalaman na-."
Natigilan siya at umiwas ng tingin sa akin. Ano raw?
"Patawad, prinsipe. Kalimutan mo na lang ang aking naibunyag."
Napatango ako at walang sinabi. Nagpalipas kami ng oras sa Polira, nagpakapagod kami. Minsan, wala na akong kapit sa oras. Wala na akong ibang gustong gawin kundi makasama siya ng mas matagal.
Nakatulog si Clea sa Polira kaya hindi ko na siya inabala at binuhat kay Pristen. Buong pagbalik namin ay tulog siya kaya nahirapan akong ibaba siya. Tinulungan ako ng ibang kawal at binuhat ko siya papunta sa aking silid para mamahinga ng maayos.
"Anson."
Natigilan ako at dahan-dahang napatingin sa aking ama. Mukha siyang nahihirapan, alam ko na ito. Ilang beses ko na itong nakita.
"Kailangan nating mag-usap."
"Wala tayong paguusapan, Ama. Nakikita mo naman na namamahinga si Clea."
"Pero-."
"Hindi ka mamamatay, Ama. Magiging Hari ako pero hindi ngayon. Hindi sa ganito kaagang panahon."
"Anson, makinig ka muna kasi."
"Ama, baka magising si Clea." Paalala ko.
Bumuntong-hininga siya, senyas ng pagkatalo. "Hindi ko alam kung magtatagal pa ako. Pero, Anson mahal na mahal ko kayo ni Acariya. Ayaw ko man mawala agad...ayaw ko ring labanan ang tadhana ko." Bumaling ako sa kaniya at nakangiti siya sa akin ng mapait. "Mahal...na mahal kita, aking Haring Diwata."
Lumapit ako sa kaniya at niyakap habang nararamdaman ang mga luha na lumalandas sa mukha ko. Hindi siya mamamatay...hindi pwede.
"Sobra ang paghanga ko sa'yo, anak. Sobra kang mabait, marespeto at minsan ka lang sumeryoso pero totoo. Mangungulila ako sa pagiging pasaway mo, prinsipe."
"Tumigil ka na." Sambit ko habang pinipigilan ang luha. "Parang-awa mo na...tumigil ka na."
"Maging mabuti ka sa kapatid mo." Natawa siya pero alam kong pilit. "Magkikita na kami sa wakas ni Pris. Gusto ko sanang makita niyo siya kapag nakita ko siyang muli pero hindi pwede...hintayin niyo na lang ah? Huwag mong papabayaan si Acariya."
"Sabi ko tama na, parang-awa na." Ayaw ko na ng sinasabi niya.
"Mahalin mo siya." Sambit niya na nagpatigil sa akin. "Walang mali, Anson. Mahalin mo lahat ng gusto mong mahalin...ibigay mo kung ano ang kaya mo pero huwag mong sobrahan." Humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Masaya ako na...ako ang ama mo. Masaya ako dahil ikaw ang prinsipe ko, wala akong ibang gustong gawin kundi ang maging ama mo kahit hindi na ako Hari...basta kayong dalawa ang anak ko."
Binaon ko ang mukha ko sa dibdib ni ama. Tama na...ayaw ko na...kung kailangan kong baguhin ang lahat ay gagawin ko. Paano na si Clea?
Mapait akong napangiti.
Kailangan ba laging pumili? Kailangan ba lagi akong maipit sa gitna?
![](https://img.wattpad.com/cover/244613416-288-k612083.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Night's Moonlight
FantasiSa ilalim ng liwanag ng buwan...naging malaya sila. Naging magkaibigan sila, paano kung sa ilalim ng liwanag ng buwan ay masaktan sila? "Inaamin mo na?" "Hindi ka mahirap mahalin, Anson. Pasaway ka pero may bait ka na. Kaya mo na ang sarili mo." Jan...