"Eli! May manliligaw kana no!" sabay siko pa sakin ni Kuya Jong, kateammate ko. Kasalukuyan kaseng water break namin.
"Ha? Bat di ko alam?" sabi ko habang minamasahe ang part kung saan niya ko siniko.
"Ayun o!" sabay turo niya kay Zen na nakaupo sa sulok at nagsecellphone.
"Ah wala naman daw siyang gagawin sa dorm kaya ayan sumama sakin" totoo naman e! Ewan ko ba sa kanya bat nagpumilit siyang sumama sakin e may training ako. Tsaka marami naman siya pwedeng pagtambayan may park naman na medyo malapit lang sa dorm okaya sa basket ball court dun sa may kanto ganitong oras may mga naglalaro na dun or sumama na lang siya kina Bert sa internet cafe na naglaro edi enjoy pa diba?
"Nge edi ano mo yan?" takang tanong ni Kuya Jong.
"Kabarkada ko" deretso kong sagot.
"Luh?" Halata naman sa mukha niya na di siya naniniwala sa sinasabi ko. Hay nako.
"Charyut!*" sigaw ni Sir kaya tumayo na kami at nagpatuloy na nagtraining.
-----
"Waaaahhhhhh natapos din!" sabay tanggal ko ng armor at head gear. Nagsparring kase kami dalawa ba naman pinasabak sakin ni sir! Grabe panigurado neto may pasa ako bukas.
"Ate sabay na tayo!" sigaw naman ni Sandra at tumakbo papunta sakin at yinakap ang braso ko.
Sabay na kaming pumunta sa cr ng gymnasium at pumunta sa kanya kanyang cubicle at nagbihis. Pinalitan ko na lang ang shrirt ko tutal maliligo naman ako sa dorm bago matulog.
"Ate sino yun? Di ba kadorm mo yun? Ang gwapo talaga kaya pinaguusapan siya hanggang sa dorm namin!" puri ni Sandra habang kinikilig.
"Ah si Zen yun kabarkada ko"
"Luh? Barkada daw! Jusme ate ikaw ha! Don't me!"
BINABASA MO ANG
A Scavenger's Life
Teen FictionThere's always an interesting story behind one's life