17

23 2 0
                                    


<Chelsea Boston>


Nagpaalam ako kay tita na kung pwedeng pumunta tong kapartner ko sa dorm para gawin ang report. Kailangan dahil lalake tong kapartner ko kung babae lang to edi sana walang problema.


"Chelsea mauna kana may dadaanan lang ako. Itetext na lang kita kapag nasa dorm nako" sabi niya saka na siya kumaripas ng takbo kung saan. Hay nako mamaya pa uwian nung dalawa. At panigurado gagabihin si Eli dahil sa training. Malapit na kase ang Sports Fest kaya ayun bugbog na bugbog sa training. 


Palabas na sana ako ng gate nang nakasalubong ko yung tatlong pashnea. Parang galit ang dalawa habang muntangang kumakaway sakin ang isa. Kailangan ko ba talaga silang makasalubong? Kaya nilakas ko ang volume ng headset ko saka yumuko at naglakad ng mabilis na parang di ko sila nakita.


Napatigil ako dahil sa kamay na nakaharang sa harap ko. Tiningnan ko kung kanino man kamay to at tinignan siya ng masama.


"We have questions" sabi ni Michael kaya tinanggal ko ang headset ko at inis silang tinignan.


"How well do you know Eli?" tanong ni Blake na ikinataas ng kilay ko.


"Mas maganda kung tatanungin niyo si Linn, kulang pa ang isang buwan para kilalanin siya" deretso kong sabi saka maglalakad na sana nang humarang nanaman sila.


"Wait. You're also an exchange student?" tanong ni Blake.


"I'm a transferee not an exchange student. Now if you'll excuse me" grabe nakakaprovoke namang magenglish tong lalakeng to.


Naglakad na lang ako paalis dahil pinagtitinginan na rin ako nang ibang studyante. Baka akala pa nila binubully ako ng mga pashneang yun.


"Bat di kaya nila tanungin si Eli tss Ako ba siya?" umiiling iling kong sabi at dumeretso na ng dorm. Sumalubong sakin si tita kasama ang mga shitzu niyang alaga na sina Sasha at Java. Waaahhh ang cute talaga nila. 


"Asan yung kaklase mo?" tanong sakin ni tita.


"Ah may pinuntahan lang po tita" sagot ko saka nako pumasok. Dumeretso agad ako sa kwarto ko para ilagay ang gamit ko at nagbihis na rin. Nilinis ko ang buong room namin at pinalitan ang mga plastic sa mga basurahan namin. Nilagay ko sa isang malaking plastic lahat ng basura saka ako bumaba para ilabas.


"Uy sipag naman this girl" rinig kong pangaasar nina Juan. 


"Nakain mo?" tanong ni Linn na mukhang losyang na losyang na.


"Kakahiya naman kase darating kaklase ko madadatnan niyang makalat ang room naten" 


"Yah yah whateva" walang gana niyang sabi at tuloy tuloy siyang umakyat.


"Anyare dun?" tanong ko sa mga kasama niya.


"Balita ko quiz day daw nila bukas" sagot ni Gio.

A Scavenger's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon