19

21 2 0
                                    


<Linn Miller>


Ilang sandali lang nakarating si Eli sa may sulok ng library. Nakaupo ako sa sahig habang may nakapatong na libro sa lap ko.


"So what's up?"


"What's up ka dyan"


"Ano na? Kala ko bang may sasabihin ka?" tanong niya saka umupo sa tabi ko.


"Ang weird kase nung tatlong unggoy kanina sa klase namin" pagtatapat ko. Kase naman diba? For the first time in forever kinausap nila ako.


"Weird? From the start naman diba?" sabi niya saka siya tumawa ng mahina.


"May point ka! Pero kase.. Ang weird lang ng tanong kanina"


"Ano bang tinanong?"


"Kung gano ba kita kilala"


Kahit saglit lang napansin kong medyo lumaki ang mga mata niya pero bumalik din ito sa dati saka ngumiti. Or maybe namalikmata lang siguro ako.


"Sinabi mo sana nakadiaper pa lang tayo magkakilala na tayo" pagbibiro niya.


"Oo nga no bat di ko naisip yun?"


"Tanga mo" pangasar niya sakin saka siya tumawa. Hinampas ko naman sa kanya ang hawak kong libro dahil sa inis. "Aray! Biro lang to naman" sabi niya habang minamasahe ang balikat niya.


"E kase naman ang seryoso nilang nagtanong kaya na awkward ako bigla"


"Bakit ka naman na-awkward aber?"


"Kase naman bigla biglang magtatanong tapos personal pa. Sinong di mao-awkward?"


"Ako?"


"Bwisit wala kang kwentang kausap" inis kong sabi sa kanya pero tumawa lang ang hangal.


"Pero sa dami ng tanong bak-- OTOKEEEE baka may gusto sila sayo!" kinikilig kong sabi saka ko siya pinaghahampas habang ginagawa niyang shield ang dalawang kamay niya sa mga hampas ko. Kesenemen...


"HUH?! Loko nasobrahan kana ata sa mga kdrama mong pinapanood" inis niyang sabi


"So ano? Spy sila ganern?" walang buhay kong tanong sa kanya.


Nagkibitbalikat lang siya saka humikab. 


"Bahala na sila basta ako inaantok ako. Pagising na lang after 1 hour" walang gana niyang sagot saka na siya yumuko.

A Scavenger's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon