<Linn Miller>
Maygash! Thanks G! Natapos din ang helldays na puro pagpapass ng mga papers at ano ano pang kaeklabush ng mga profs bago man lang nagsembreak! Kala ko nga di ako makakasurvive.
"Yes! SEM BREAK NA!!!" sigaw nina Juan na ikinatawa namin. Nandito kami ngayon sa shed para hintayin si Eli na pumunta sa may faculty.
"Bat di kaya tumakbo ng president si Eli? Malakas naman siya sa mga prof natin diba?" suggestion ni Gio. Napaisip naman ako kung papayag ba si Eli dahil feel ko di siya papayag dahil unang una varsity siya kaya mahihirapan siyang mag manage ng time para sa ganun.
"Panigurado ayaw nun! Kaya wag na kayong mangarap" deretsong sabi ni Chelsea.
"Grabe naman to ikaw ba si Eli?" tanong naman ni Jahaziel na ikinasama ng tingin niya sa kanya. "Wala na po akong sinabi" sabi niya na ikinatawa namin.
Nakita na namin siyang pababa ng hagdan habang hawak ang isang folder kaya inayos ko na ang gamit ko. Pagtingin ko ulit kausap na niya si Gregory mukhang sumulpot kung saan. Kabuti ba ang lalakeng yun? Seryoso silang naguusap saka siya may inabot na di ko alam kung ano kay Eli na agad naman niyang binulsa.
Lumapit na siya samin habang nakangiti na parang walang nangyare.
"Tara na!" aya niya samin at kinuha ang bag niya na nakapatong sa table.
"Bat di mo pa inaya si Gregory?" tanong ni Gio.
"May gagawin pa yun" sagot niya.
Tumayo na kami saka dumeretso sa may totobits para sabay sabay ng kumain. At dahil first time din nung tatlo na pupunta dun kaya medyo memorable ang last dinner naming lahat dito. Malayo pa lang ata kami pinagtitinginan na kami ng mga ibang bumibili. Jusko ikaw ba naman para lang silang mga bodyguard.
At nakakapanibago talaga si Blake dahil konti nalang lumipat siya ng course makasama niya lang si Eli. Hay jusko may nangyare ba na di namin alam last party? Tinatanong naman kase namin si Eli panay wala naman ang sagot. Di naman namin matanong si Blake dahil parang wala ka rin kinausap. Bastos kamo.
"Di pala tayo pwedeng malate kase ngayong gabi ako uuwi" sabi naman ni Eli habang iniinom ang shake niya.
"Weh?? Andaya naman neto!" Lahat kaya kami bukas pa uuwi. Di man lang tuloy kami makakapasyal na kami lang tatlo bago magsem break.
"Dapat sinabi mo kaagad samin" inform ni Chelsea na ikinaagree ko.
"Sorry sorry" sabi niya habang nakangiti. Well wala din naman kaming magagawa.
Pagkatapos naming nagdinner sabay sabay na kaming bumalik ng dorm para magpahinga at matulog.
"Eli" tawag ni Blake na ikinatingin naming lahat. "Can I talk to you for a minute?" nagtinginan kami ni Chelsea at inaya na ang boys na pumasok. Unang nga ayaw nila mga isyoso talaga.
BINABASA MO ANG
A Scavenger's Life
Teen FictionThere's always an interesting story behind one's life