14

21 1 0
                                    



Para kaming mga militanteng grupo na nagpoprotesta sa dami namin na naglalakad dito sa kalsada pauwi. Kulang na nga lang karatula e. Si Matthew ang pinakamaingay na nagpupumilit na alalahin ko na daw kung anong nakalimutan ko these past seven years.


"Bakit pa kase kailangan alalahanin? Pwede naman gumawa na lang kayo ng bago" suggestion ni Bert. Tinignan ko naman siya na parang sinabi ang pinakaimposibleng mangyare sa buong mundo. Kame gagawa ng memories? Ano siya? First love ko? Eww.


"Kase naman para maalala niya yung naging promise namin sa isa't isa" sabi niya saka nagpout. Promise?


"Wag mong sabihing magpapakasal kayo?" tanong naman ni Juan.


"Kadiri ka a" depensa ko. Parang imposibleng kong ipangako yun sa isang tao mas lalo na sa asungot na to.


"Makakadiri ka naman diyan! Sa gwapo kong to? Pero di yun"


"E kung sinabi mo na lang sana edi tapos ang usapan" supladong sabi ni Chelsea. Oo nga naman wala ng pangungulit na nangyayare.


"Mas maganda ikaw mismo maalala mo!" diin niya kaya napasapo na lang ako sa noo ko. Hay nako walang patatanguhan tong usapan na to.


Napansin ko namang kanina pa masama ang titigan nung dalawang matangkad na nasa likod.


"Hoy kanina pa kayo nagtititigan diyan baka kayo magkatuluyan niyan" bulyaw ko sakanila kaya nagiwasan sila ng tingin. May sama ng loob ba sila sa isa't isa? Kulang na lang kase magsusuntukan sila e.




-----




May kanya kanya pala silang condo kaya umuwi na sila gamit ang kanya kanya nilang sasakyan. Diba ang yaman? Muntanga nga e talagang sumama sila hanggang dito sa dorm tapos bumalik din ulit sila ng university para kunin ang sasakyan nila. O diba? Mayaman nga abnormal naman!


"KAIN NA!" rinig kong sigaw ni nanay Linn sa may kusina.


Sinara ko muna ang laptop ko saka nako tumayo at lumabas.


"Asan ang ulam?" tanong ni Chelsea. Oo nga bat puro kanin lang nakahain?


"Wala akong alam iluto e kaya paghatiin na lang naten tong hinatid na ulam ni papa" sabi niya saka nilapag ang isang tupperware.


"Jusko sa laki ng anaconda ko sa tiyan tingin mo magkakasaya yan?" tanong ko. Mukhang masarap pa naman.


"Edi bili ka sa may totobits" inis niyang sabi sakin.


A Scavenger's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon