<Elizabeth Smith>Argh! Bakit andito yung dalawa sa Korea? Did they tracked me?! Think Eli! Magfocus ka muna sa trabaho okay? Hays!
Naiinis ako sa so called manager dahil nagkandaletse letse ang sched ng mga boys. Ngayon isa isa kong tinatawagan ang ibang editors at organizers ng iba't ibang event para inconfirm ang lahat bago ko mafinalize ang buong sched nila. Kailangan ko rin siguraduhin na meron pa rin silang pahinga para hindi sila mapasabak sa gera. Nakiusap rin ako sa ibang editors na ilipat ang nakaschedule nilang photoshoot at sa kabutihang palad pumayag naman sila kaya bawas na rin yun sa mga nagkoconflict na events."That cocky bastard!" inis kong bulong saka umupo para makapagpahinga saglit. Kinuha ko ang coke in can ko at napansin wala na itong laman. Kaya shinoot ko ito sa basurahan saka lumabas ng hotel room ko para makapagpahangin na rin. Binulsa ko ang phone at wallet ko para tumambay muna sa malapit na cafe.
Hinihintay ko lang bumukas ang elevator dahil tinatamad akong magstairs. Chineck ko ang phone ko at nakita ang maraming missed calls galing sa hinayupak na yun. Tss. Try niya kayang maligo para mawala kati niya sa katawan.
Bumukas ang elevator at sumalubong sakin ang isang employee na may tray na dala. Room service siguro. Ang bango pa naman ng pagkaing dala niya. Makakain nga sa labas panigurado bukas na nyan mga street restaurants. Mura pa!
Paglabas ko ng hotel naglakad lang ako papunta sa alam kong street restaurant dito. Napangiti ako nang nakita kong nakaayos na ito at bukas na.
Umupo ako sa may sulok at nagorder ng tteokbokki at soju. Ilang minuto lang dumating na ang pagkain at tahimik akong kumain magisa nang biglang may umupo sa may tapat ko at may sinabi na ikinataas ng kilay ko.
BINABASA MO ANG
A Scavenger's Life
Teen FictionThere's always an interesting story behind one's life