20

12 2 0
                                    


<Linn Miller>


"Uy pasalubong ha?"


Balita ko kase uuwi tong si Eli sa probinsya dahil nagkaemergency sa kanila. Siguro personal kase nga ni samin di niya masabi kung anong nangyare at biglaan ang uwi niya. Nandito kami ngayon sa kwarto niya at tinitignan lang siyang nagaayos ng mga gamit niya.


"May pinatago ka bang pambili? Diba wala" sabay irap pa niya sakin at nilagay ang laptop niya sa backpak niya.


"Eto naman! Parang di mo ko kabigan"


Tinignan naman niya ako with a poker face. Tignan mo to don't tell me di niya ako kaibigan!! Hinagis ko nga sa kanya ang pillow niya saka naman siya tumawa.


"Bwisit ka talaga!" inis kong sabi sa kanya habang di ko na rin napigilan ang tawa ko.


"Walanghiyang Chelsea inuna pa lalake niya kesa sakin"


Hay nakooo. Ewan ko din sa babaeng yun kung anong pinapakain sa kanya ng bago niyang lalake at lagi na lang siyang saktong curfew umuwi which is 10pm. Tsk tsk isusumbong ko talaga siya sa mama niya kapag nakilala ko na tignan ko lang kung uuwi pa siya nang ganung oras.


"Okaay! Tapos!" sabay sara niya ng backpack niya.


"Eto lang dadalhin mo?" tanong ko kase alam ko 2 weeks siyang mawawala so.. ah sabagay sa kanila naman siya uuwi so panigurado may damit naman siya dun.


"Laptop. Undies. Pencil case. Passport-"


"Passport? Kailangan ba ng passport sa probinsya?! Wow lang ha!"


"Pinapauwi kase ni mama baka daw mawala ko pa" 


"Ah sabagay burara ka pa naman"


"Edi wow"


"Bat di ka nalang kase bukas umaga umalis?"


"Ayoko nga. Mainit"


"Duh! Pwede namang maaga"


"Gusto mo?"


"Sabi ko nga lumayas kana"


"Bwisit to. Osya maliligo nako" 


Sakto namang narinig naming may kumatok sa pinto namin kaya tumayo muna ako saka lumabas sa kwarto ni Eli saka pinagbuksan ang taong kumatok. 


"O buti nandito kayo?" tanong ko kina Zen tsaka sila pinapasok.


"Anong ginagawa niyo dito?" tanong naman ni Eli habang hawak ang tuwalya niya at damit na susuotin niya.

A Scavenger's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon