2

84 2 0
                                    







Nasa faculty ako ngayon para magpalamig. Buti pa yung faculty tsaka yung mga lab merong aircon sa mga regular rooms wala. Ang init init kaya. Si ma'am Abellera lang naman nandito kaya okay lang daw tutal break ko naman daw.



Kinuha ko ang phone ko para maglaro. Tulog kase si ma'am kaya medyo nakakainip, wala tuloy akong bagong chika hahaha.


"Oy Eli kumpleto na nyan to?" tanong ni Sir Fuji at umupo sa table niya. Andito na pala siya? Di ko man nga narinig na bumuka at nasara yung pinto e. Ninja ba si sir? Paturo nga ako minsan para naman kapag nalelate ako sa mga subject ko di nila ako napapansin hahahaha


"Naman Sir! Ako pa?" sabay thumbs-up ko pa sa kanya. "Sige sir sibat nako" tumango lang siya at lumabas nako ng faculty. Hay back to mainit ulit. Medyo maaga pa naman para pumunta ng lab. Tsaka may ginagawa yung mga boys. Where to go? Hmm. Ah! Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinext si Linn.


'Pst! Linn! San ka?'


'Canteen sa may B.A.'


'Ah. Salamat sa libre hahahahaha'


'Sambol!'


Inayos ko na ang pagbitbit ko ng bag ko saka dumeretso nako sa canteen. Linn Miller by the way. As all you know now that she's my roommate. She's also a third year student pero wag niyong aanohin yan she's an engineering student taking BS Electronics and Communicatons Engineering. Oh diba? Di kayo naniniwala hahahaha charot!

"ELI!" sigaw niya habang nakataas ang kanang kamay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ELI!" sigaw niya habang nakataas ang kanang kamay niya. As usual nasa may dulo siya nakaupo. Lumapit nako agad saka umupo at pinatong ang bag ko sa may mesa.


"Wala kang pasok?" tanong ko sa kanya habang pasimpleng kumukuha ng fries.


"Wala" sabay palo naman niya sa kamay ko. Enebeyen yung plate pa nga lang nahawakan ko e. "Bumili ka ng sayo" sermon pa niya sakin. Hmp! Damot!


Bigla namang nagalarm ang phone ko. Luh? Di ko naman sinet yung phone ko. Sakto namang kinuha ni Linn ang phone niya at may sinagot na tawag. Oh I forgot sinadya kong gawing alarm tone sa phone ko yung ringtone niya hahahaha Ewan automatic siyang nagigising kahit madaling araw kapag narinig niya yung ringtone ng phone niya. Simula nung nagkasama kami sa dorm di na niya binago yung ringtone niya. Kaya minsan kapag maagang maaga ang pasok ko iniiwan kong hindi nakalock ang kwarto ko. Aba mahirap na baka gibain neto yung pinto ko.


Kahit anong tangkang kuha ko ng fries wala talaga. Namula na nga mga daliri ko kakahampas niya e.


"Po? Okay po. Sige po. Thank you po." sabay lapag niya ng phone niya sa table saka tinignan ako ng masama na DAPAT ako ang tumitingin sa kanya ng ganun.


"Sino yun?" tanong ko.


"Ah si Tita Bienette"


"Ow? Bakit daw?"


A Scavenger's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon