"Pack your bags now!" utos ko sa mga hangal habang inaasikaso ko pa ang gagamitin naming sasakyan para sa sampung katao. Maybe a shuttle wouldn't hurt right? Medyo halata kung magba van kami lalo may mga gamit tong mga to, tigiisa ba naman ng maleta. Mga bwisit!
"Grabe Eli di ba sinabi na namin na next week pa ang flight namin?"
"Di ako bingi. Aish! Basta gawin niyo na lang sinasabi ko" saka nako lumabas sa may veranda ng kwarto nila at nilabas ang phone ko para kontakan ang kakilala kong may rest house sa di kalayuan pero masyado yung nakatago sa paningin ng lahat. Duh! Sino bang may matino sa pagiisip ang magtatago ng rest house sa bundok? Edi yung kakilala ko lang.
'Hello? Eli?'
"Pwede ko bang hiramin ang rest house mo for maybe a week?"
'Wanted criminal ka na ba kaya mo gustong magtago? Or may iba kang pinagtataguan?'
"Sort of. Ano?"
'Sure basta yung extra kong susi nasa ilalim ng paso ng paborito kong bulaklak'
"At ano naman?"
'It's for you to find out. Ciao!~'
Saka na niya pinatay ang tawag. Hay doon ko na nga lang hahanapin bwisit. May pa 'it's for you to find out' pang nalalaman pero okay na yun atleast may matatago ko tong mga to. Shuttle na lang. May shuttle kaya si tito? Hmm..
'Hello Eli! Napatawag ka?'
"Ah tito tanong ko lang sana kung may shuttle po kayo?"
'Wala e pero meron akong kakilalang meron. Kelan mo ba kailangan?'
"Actually ngayon na po e"
'12 na ng gabi ah san ba kayo pupunta?'
"Ah... Kase po..."
'Kung gusto mo bukas na lang ng umaga'
"Ah sige po okay lang po kung ano po sasabihin ko na lang po sainyo kung di pa po kami nakakahanap. Thank you po"
BINABASA MO ANG
A Scavenger's Life
Teen FictionThere's always an interesting story behind one's life