8

46 1 0
                                    



"Eli bat di ka bumili ng sarili mong sasakyan?" tanong bigla ni Suho pagkababa ko ng taxi. "Di ba malaki ang sweldo mo dahil assistant manager ka namin?" dagdag pa niya.


"Bat kayo nandito? Diba sinabi kong wag na wag kayong lalabas ng bahay?!" taranta kong sabi at tumingin tingin sa paligid saka tinulak sila papasok ng gubat. 


"Wala nacurious lang kase kame kaya ayun nagdecide kaming hintayin dito" sabi naman ni Sehun.


"Bat ninyo alam na pupunta ako?" sabay tanggal namin ng kanya kanya naming face mask at cap.


"Kay Baek"


"Pero wala ka talagang sariling sasakyan?" ulit na tanong ni Suho.


"Di ko pa afford ang bumili kaya ayan okay na?" sabi ko sa kanina saka nako unang naglakad sa kanila.


"Wag mong sabihing di ka sineswelduhan ni president?" sabay harang ni Sehun sa dinadaanan ko.


"Weh? Di ka sineswelduhan? Makausap nga" sabay labas ng phone ni Suho pero agad ko yun kinuha.


"Mga baliw" sabay hagis ko sa kanila ng binili kong pork at uling.


Nakahinga ako ng maluwag dahil pasado ako sa plate ko kahapon kaya magbarbeque kami sa labas ngayon.


"Barbeque! Yes!"


"Pork lang yan masyadong mahal ang beef" sabi ko habang naglalakad.


"Edi sana sinabi para sana binigyan ka namin ng pera" sabi naman ni Sehun na ikinatawa ko.


"Yaan niyo na minsan na nga lang kayo dumalaw"


"Ayieee! Edi pwede ulit kami pumunta dito sa susunod?" 


"Hoy hoy sabi ko minsan di ko sinabing ulit" sabay irap ko sa kanya. "Tsaka maraming project si Lay buti sumama siya sa inyo?" tanong ko. Maami kase siyang project na kaline-up ngayon halos sa mga drama series.


"Kase alam kong maiinggit lang ako sa kanila kaya sumama na ko" biglang sulpot ni Lay "At para naman makita kita ng personal lagi na lang kitang nakikita sa screen ng laptop tapos minsan io-off mo pa yung webcam mo" saka ako inakbayan.

A Scavenger's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon