7

45 1 0
                                    







"Ang tamlay mo ata Eli?" tanong naman ni Gio sakin.


"Malamang ikaw ba naman ang walang tulog" sabi naman ni Ryan habang pinaglalaruan ang panyo niya.


"Dapat pala laging ganyan si Eli para tahimik siya" sabi naman ni Jahaziel kaya tinignan ko siya ng masama.


"Tigilan niyo nga ako" walang gana kong sagot saka sinubsob ang ulo ko sa lamesa. Nasa canteen kami ngayon at hinihintay ang magiging resulta ng mga plate namin. Kapag di ako pinasa ni sir ay jusko baka ibibitin ko siya patiwarik at gagawin siyang kicking pad.


"Ate Eli!" rinig kong tawag sakin ni Sandra. "May training daw mama--"



"Pass" sabi ko nang habang nakasubsob pa rin ang mukha ko.


"Eli!"


"ANO?!" inis kong sabi. Kase naman! Bat di muna ako hayaang magpahinga tsk!


"Galit? Sambol na to. Hoy babae ang aga aga mo atang dumating sa school? Himala ata"


"Ha? Nalate nga siya sa first subject namin e buti pinapasok pa siya" bwisit na Jahaziel nato ang daldal!


"Tumambay lang ako sa student center kase tinatapos ko yung plate ko"


"Buti plantsado yang uniform mo? E di mo naman hiniram ang platsa sakin kagabi"


"Ah... kase nakaplantsa na to nung simula pa lang ng klase" palusot ko. Sa totoo lang si Xiumin ang nagplatsa neto. Ewan ko dun sa mga yun porket may kasalanan ang mga hangal ang babait kagabi. Pati ideya para sa design ko ngayon e may part sila kaya sana naman pumasa ako. Kung sabihin ko kayang bibigyan ko sila ng ng tigiisang autograph ng mga yun? Nah! Mukhang di naman nila alam ang kpop culture e.


Tumayo nako saka ko sila iniwan at pumunta sa library. Buti pa dito may aircon at tahimik pa makakatulog ako ng maayos dito panigurado. Nagvibrate naman ang phone ko kaya nilabas ko ito at inunlock without looking dahil nakafinger print sensor ito.


Binuksan ko ang isa kong mata at tinignan kung sino ang nagtext. Isa lang pala sa mga yun.


'Papadeliver na lang ba kami o pupunta sa malapit na palengke?'


Napamulat agad ako dahil sa natanggap kong text.


"Hangal ba tong mga to?! Argh! Ano pang silbi ng pagtago ko sa kanila?" inis kong bulong habang nakatingin sa phone ko kaya tumayo agad ako saka lumabas. Tutal results lang naman ang hinihintay namin kanina pa ipapatingin ko na lang kina Bert kailangan ko pang maggrocery para sa mga yun nakalimutan ko nga pala na wala silang pagkain.


Kaya lumabas nako ng university at dumeretso sa dorm. Kinuha ko ang mga naipon kong pera ng isang buwan,bag, cap at facemask saka nako umalis at dumeretso sa palengke.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Scavenger's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon