28

15 1 0
                                    


<Elizabeth Smith>


Haaaayyyyy. Inaantok pako pero dapat akong pumunta sa party dahil nakakahiya na rin na di ako sumamang naglunch kanina. Hinatiran pa ako jusko.


"Mam" rinig kong sabi ng maid kaya binuksan ko ang pinto dito sa banyo. Nagpapalit kase ako ng damit. Di ko nga expect na may damit talaga kami kaya dinala ko talaga yung mga damit na binili namin kahapon. Tinulungan niya akong i-zipper na maayos ang gown saka ako tinulungan lumabas. 


Bagay kaya dito yung mga rubber shoes ko?


"Mam" sabi ng isa pang maid na may hawak na heels. Wow di lang pala damit ang sponsored!! Magaling magaling!!!!


Sinuot ko na mga binigay na heels sakin at tumingin ulit sa salamin saka na lumabas ng kwarto. Napatingin ako kay Zen na nakatalikod sa may side ng hallway. Anong ginawa neto?


"Uy Zen!" tawag ko saka naman siya humarap.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Nandyan ka pa pala? Tara sabay na tayo" dagdag ko pero di siya umaalis sa pwesto niya. Wait nagstop ba ang time? Or naglalaro ba siya ng stop dance? "Uy!" tawag ko ulit sa kanya.


"Ah.." sabi niya lang saka tumawa ewan ko pero tumawa din yung maid. Nabaliw na ata silang dalawa. Baka may telepathy na nangyayare na di ko alam? "Let's go" yaya niya saka na namin sinundan yung maid papuntang garden para sa party. Nagthank you ako dahil hinatid niya kami hanggang sa table. San nakatingin tong mga to?


"Sinong tinitignan niyo?" tanong ko na ikinatingin nilang lahat sakin. Sina Linn naman parang nakakita ng multo. Sobrang kapal ba make-up ko? Di naman ah. Walanghiya talaga tong mga to at yung lipstick ko pa talaga pinagtripan nila bago nagsimula ang party.


"Welcome and thank you for joining us to celebrate the birthday of our son. Cheers!" masayang sabi ni tita at tinaas ang wine glass niya kaya kinuha din namin ang kanya kanya naming glass at tinaas din ito.


"Cheers!" sabay sabay naming sabi at ininom ang wine na nakalagay dito. Naging masaya naman ang party dahil unang una, masarap ang pagkain. Pangalawa, nakakawala ng pagod dahil sobrang gaan ng atmosphere. At panghuli... masarap talaga ang pagkain lalo na ang dessert!!! Grabe kahit nga dessert ni Zen kinain ko like duh di naman ako choosy para di tanggapin yung alok niya!

A Scavenger's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon