11

19 1 0
                                    


Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa paligid. Jusme naman kung ayaw nilang matulog, magpatulog naman sila! Mariin kong pinikit ang mga mata ko para ibalik ang antok ko.


"Wag nga kayong maingay" rinig kong awat ni tita. Oo nga tama na! Tss.


Narinig kong bumukas ang pinto saka naramdaman kong pinalibutan nila ako. Anong gagawin kaya ng mga to sakin? Jusko baka gawin nila yung kagay dun sa exorcist. Kakapanood ko lang pamo nung minsan. Kaya bago pa nila simulan kung ano mang gagawin nila dahan dahan kong binuksan ang mata ko pero nasilaw sa ilaw na nanggagaling sa kisame.


"Ilaw" sabi ko ng mahina pero nabigla ako nang daganan ako ng dalawang nilalang.


"Waaaahhhhh Eli wag kang lalapit sa ilaw!!!" alam kong si Linn to at hinampas hampas pa ako. Walang hiya!


"Huhuhuhu Di mo pa nagagawa yung bahay namen ni Chanyeol!" kahit di ko na sabihin kung sino alam niyo na kung sino. Binuksan ko ang mga mata ko para tignan ang dalawang nakayakap sakin.


"Hangal ba kayo? Sinumpong lang asthma ko pinapatay niyo na ko mga walang modo" inis kong sabi sa kanila at pinagtutulak ko sila kaya nahulog silang dalawa sa higaan ko.


"Ngayon ka lang kase nahimatay, asan na ba yung inhaler mo?" tanong ni tita sakin tinanggal ko naman ang nakakabit na nebulizer sa ilong ko.


"Ah nakalimutan ko po tita hehe sorry" sabi ko habang kinakamot ang batok ko.


Napatingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na wala ako sa kwarto ko. Wait... Ospital ba to?!


"Ayan ewan ko kung pano pero nabuhat ka ni Zen habang tumatakbo kami papunta dito. Ang bilis nga niyang tumakbo e." kwento ni Bert at tumango tango naman sila bilang pagsangayon.


"Parang papel lang ang bitbit kamo" dagdag ni Ryan.


"Weh?" di ko makapaniwalang tanong. Binuhat niya ko hanggang dito? Grabe posible ba yun? Pero kung aanohin siguro wala namang isang kilometro ang layo ng dorm dito sa ospital. Waaaahhhh nakakahiya siguro ang bigat bigat ko tapos... WAAAAAHHHHH!!!


"Di kaya isa siyang yokai?" tanong ni Jahaziel na ikinapoker face naming lahat maliban sa kanya na mukhang seryosong nagiisip ng sagot sa tanong niya.


Sakto namang pumasok si Zen na may dalang plastic bag nabitawan niya ito saka mabilis na lumapit sakin at hinawakan ang pulso ko. Binalik niya rin sa ilong ko ang tinanggal kong tube kung saan nakakonekta ang nebulizer. Nakatingin lang kami sa kanya habang busy siya na nakatingin sa relo niya habang hawak pa rin niya pulsuhan ko.


"Zen okay lang ako" sabi ko kaya tumigil siya sa mga ginagawa niya at tinignan ang mga kasama namin. Napalunok lang siya saka na siya lumayo. Ang weird talaga ng nilalang nato. Tinanggal ko ulit yung tube para makahinga ako ng maayos.


"Yokai ka ba?" tanong ni Jahaziel sa kanya kaya natawa kaming lahat.


A Scavenger's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon