"Ayiieee! Dalaga na si Eli!!" pangaasar ng ugok.
"Tae tigil tigilan niyo nga ako kung ayaw niyong kayo naman bugbugin ko"
"Ano ba guys! Di siya nagdadalaga kase nagbi--" tinignan ko ng masama si Bert na halatang nagpipigil ng tawa kaya kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray! Sorry po! Ah!" sigaw niya. Bwisit!
Punyemas na Michael kase tsk!
"Ms. Smith and Mr. Dizon baka naman gusto niyong ishare samin" bat pati ako?! "Might as well join them Mr. Bolosan" dagdag niya. "Kung ayaw niyong makinig bukas ang pinto pwedeng pwede kayong lumabas" sermon ni Mam Tongol saka tinuloy ang discussion niya.
Aish! Ang malas talaga ng araw na to! Kasalanan to ni Michael!!
------
Pagkatapos namin sa klase dumeretso kami ng canteen para kumain ng lunch. Nadatnan namin sina Chelsea na nakikipagtalo sa mga kasama niya.
"Oy Chelsea! Ang ingay mo ang layo ko pa dito naririnig ko na boses mo" bulyaw ko sa kanya. Inirapan lang ako ng hangal saka na niya pinagpatuloy ang pagkakatak niya. Hay nako bahala nga siya dyan. Bigla namang nagvibrate ang phone ko kaya chineck ko ito kung anong natanggap kong message.
'1pm classes and onwards will be dismissed early due to faculty meeting. Thank you and God bless us all -Mam Anne'
YESSSSS!!! Alright early dismissal!! Napatingin naman ako sa mga kasama ko na nagsecelebrate. Jusko sila pa mahuhuli sa balita? Don't them!
Ilang sandali tumabi sakin si Chelsea saka nagbuntong hininga.
"Napano ka?" tanong ko.
"E kase naman yung isa kong ka group ayaw makipagcooperate kesyo di daw siya pwede mamaya para gawin yung marketing research namin" inis niya kwento. "Hay nako! Ano ba klaseng emergency yun at inuna niya pa yun kesa sa grades namin?!"
"Wow kelan ka pa naging grade conscious?" takang tanong ko sa kanya. Lagi kase siyang umaabsent sa mga minor niya ewan ko ba dito sa babaeng to hay.
"Ang sama naman neto" sabay pout niya at hinampas pako.
Sakto namang dumating si Linn kasama ang mga BG niya. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao para kaseng rumarampa sa ewan mga kasama niya habang siya naman parang alien kung maglakad. May payuko yuko pa siyang nalalaman. Nako!
"Linn pakayuko mo baka masaksak mo sarili mo" asar ni Gio na ikinatawa namin.
BINABASA MO ANG
A Scavenger's Life
Teen FictionThere's always an interesting story behind one's life