Epilogue
"Hindi ka naman mahilig sa histories, pero bakit history repeats itself na naman ang peg mo?"
Mula kagabi hanggang ngayon pa ako pinapangaralanan ni Kesha tungkol kay Kendrick. Magmula nung pag-uusap namin ni Fia sa birthday niya, hindi na ako masyadong nagiimik dahil sa mga naiisip ko. Ang daming bumabagabag sa 'kin na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung paano mahahanap ang mga kasagutan gayong nalilito pa rin ako.
Gusto ko si Kendrick pero ayoko rin namang maging ganito nalang palagi. Naranasan ko na 'to kay Nate dati at ayoko kong pati kay Kendrick ay mangyayari ulit ang naramdaman ko noon. Minsan, kahit gaano pa kasakit o kahirap ang desisyon mo, sa huli ay naniniwala akong maganda ang kalalabasan nito.
"Bess, hindi ka naman dapat umakto ng ganyan kasi wala namang kayo para masaktan ka nang todo." Dagdag pa nito na lalong nagpabukas sa isip kong nakasarado na ayaw buksan dahil nais manatili ang nilalaman at nararamdaman.
Tiningnan ko siya at napabuntong hininga. "Oo na, titigilan ko na ang kahibangan kong ito sa kanya. Titigilan ko na ang umasa na magkikita pa kami ulit at pagbabakasakaling may pag asa pa. Ayoko nang masaktan pa. Nakakapagod."
Hindi na ako aasa na magkakagusto siya sa 'kin. Ni hindi pa nga kami nagkikita mula nung huli kaming magkasama. Sawang sawa na rin akong makarinig ng mga salitang nagpapagising sa natutulog kong diwa pagdating kay Kendrick, dahil magmula nung umalis siya ay walang tigil kong hindi nababanggit ang pangalan niya at pilit pinagpipilitan na iba ang mga kilos at salita niya kapag ako ang kausap.
"Weh? Marupok ka kaya, hula ko babalik din iyan paglipas ng ilang araw." Ginulo niya pa ang mood. Tiningnan ko siya nang masama dahil do'n.
Pinigilan niya pa ang tawa niya. "Bess, don't get me wrong. Ayoko lang ulit masaktan ka. Nangyari na kay Nate dati at ayokong maulit na naman 'to kay Kendrick. Pero kung gusto m---"
Bago pa man niya ipagpatuloy ang sasabihin ay pinutol ko na ito para sagutin siya at nang malinawan sa mga nararamdaman ko.
"Tama ka. Hindi dapat ako nagkakaganito kasi wala naman akong malalim na koneksyon sa kanya para magkaganito ako. Sadyang ako lang talaga ang nagpipilit sa sarili na iba...ang pinapakita niya sa 'kin."
I should just really stop. For real. Kasi at the end of the day, ako pa rin naman ang talo. Ako pa rin ang masasaktan sa huli dahil pilit kong pinaniwalaan na sana....sana kahit konti lang may puwang pa rin ako sa puso niya, at sana hindi niya makalimutan ang mga alaala namin noon.
Napailing siya habang nakapameywang sa harapan ko. "Hindi ko aakalain na ganyan ka. Look at you! Dalawang lalaki palang ang dumaan sa buhay mo pero hirap ka nang kalimutan kahit walang malalim na pagsasamahang dapat alalahanin. Iyong tipong crush lang pero ang lalim ng sugat na iniiwan sa'yo. Iniiyakan mo pa sila kahit wala silang pakialam sa nararamdaman mo."
I sighed. Oo na. Sa dalawang lalaki lang ako nahulog pero hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin nakakamtan ang gusto ko. Ni isa sa kanila hindi ko naramdaman ang pagiging masaya na lagi kong naririnig kapag nagkakagusto ang babae sa lalaki, dahil iba ang nararamdaman ko kapag mas lalong lumalalim at tumatagal ang nararamdaman ko.
Siguro minsan nararamdaman ko ang saya pero sa maikling panahon lang at mas matagal pa rin ang kirot na binibigay.
"Naisip ko lang. Kaya siguro biglang nagbago si Kendrick sa pakikitungo niya, dahil may isang bagay ang pumipigil sa kanya na gawin iyon. Marahil alam niyang wala kang gusto sa kanya, naiinis ka sa asaran, o 'di kaya, may mas malalim pang rason. Kasi 'di ba, nakakapanibago. Nakakabigla." Napakunot noo ako dahil sa sinabi nito.
Kinabukasan, nagscroll lang ako sa phone ko dahil vacant naman namin. Umalis si Missy habang naiwan lang ako sa upuan namin. Nakakatamad kasing tumayo at makipagkwentuhan sa kanila, mas okay na iyon ganito kahit sandali lang nakakapagrelax ako malayo sa mga lessons at activities.
YOU ARE READING
Too Late, Ellie
Teen FictionEllie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision she make. A girl who pushes herself too much to something she like. She was doing fine, not until she met a man. Will she be true to hersel...