Chapter 29
Flashback
I was busy reviewing my notes for tommorow's quiz. I was too focused but my mind kept bugging me to look on my phone because of the non stop coming of messages. Alam kong gc lang namin 'to sa mga subs pero hindi ko inasahang gc din pala namin nung first year.Kahit hindi ko pa naseseen ang messsage ay alam ko nang nagkakamustahan at nagkakausap sila sa isa't isa. Personal na buhay, pag-aaral, pagkakaibigan, friendship at hindi nawawala ang usapang lovelife kaya mas naging alerto ako dahil dito ko mapapatunayan kung totoo nga ang mga nalaman ko tungkol kay Kendrick.
Grace : I miss you, guys!
Beatrice : Hindi ka niya miss.
Grace : How are you na? Hula ko may mga lovelife na kayo 'no.
Wave : Wala ahhh ikaw diyan ang mayro'n e.
Beatrice : Ang dapat niyong tanungin si Kendrick!
Nang banggitin ni Bea ang pangalan ni Ken ay mas naging agresibo ako at mapagmatyag sa mga itatanong nila at lalo na sa mga isasagot ni Ken. Hindi ko lang masyadong pinahalata na naghihintay ako sa reply niya kaya pinapatagal ko ang pag seen. Ilang minuto pa ang tumagal bago natapos ang sunod sunod na pag vibrate ng phone ko kaya naisipan ko nang buksan.
Grace : Oo nga si Ken. Hoy Ken, musta na kayo nung girl mo?
Kendrick : Okay lang naman kahit ldr.
Dim : Bakit naman ldr?
Kendrick : Nasa Cebu kasi ako at nagpunta naman siya sa Manila para dalawin ang lola niya :(
I smiled sadly. Ang sakit naman habang kinekwento niya iyong tungkol sa kanila, ramdam ko ang saya niya kahit sa simpleng mensahe lang.
Grace : Ilang months na kayo?
Kendrick : 2 months
Dalawang buwan na ang nakalipas magmula nung nalaman ko ang tungkol sa kanila. At dahil do'n, napagtanto kong dalawang buwan na rin akong nasasaktan kasalungat sa sayang nararamdaman nila sa isa't isa na patuloy na tumitibay ang relasyon.
Wave : Buti nakaya niyo kahit ldr kayo.
Kendrick : Syempre, worth it naman iyong hinihintay ;)
Deserve niyo nga ang isa't isa. Sana all.....sa'n ako?
End"Seryoso ba 'yan?" Tanong ko habang kinikilatis iyon nang mabuti.
Biglang nilayo ni Missy ang phone at takang tiningnan ako. "Hindi ka masaya?"
Aminado akong masaya ako kasi wala na sila pero nang maalala ko ulit ang mga panahon kung gaano siya kasaya habang kinekwento ang nobya ay syempre nalungkot din. Sobrang saya niya nung mga oras na iyon na kahit masakit para sa akin ay okay na rin. Masaya na rin ako para sa kanya.
"Hay naku, lilipas din 'yan at siguradong babalik ang kilig mo kapag naalala mong single na ulit siya." Pagpapalakas loob nito sa akin. What a supportive friend.
YOU ARE READING
Too Late, Ellie
Teen FictionEllie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision she make. A girl who pushes herself too much to something she like. She was doing fine, not until she met a man. Will she be true to hersel...