Chapter 26
"Confirmed!"
Agad akong nag-ayos nang maramdaman kong umiinit ang gilid ng mata ko kaya bago pa man ito tumulo ay kinusot ko ang mga mata ko dahil biglang nilapit ni Missy ang mukha niya para sumilip sa phone ko.
Umupo siya sa tabi ko't inagaw ang phone sa akin para makita nang mas maayos. "Sila na nga talaga."
Mabilis mawala ang lungkot ko dahil kay Missy, mabuti nalang lagi siyang nariyan sa tuwing may problema ako. Kahit nasisira ang mood ko, okay pa rin naman kasi masaya pa rin ang kapalit.
"Anong say mo, Ellie?" Natauhan ako nang bigla itong lumingon sa akin at nagtanong.
Ang bigat sa pakiramdam. Biglang bumalik ang mga alaala ko last year nung nakikita ko pa siya kahit sa malayo lang. Ngunit gayunpaman, hindi dapat ako manghinayang bagkus ay maging masaya nalang para sa kanya.
"Okay lang 'yan, friend. Support pa rin ako sa iba mo pang mga gusto." Dagdag nito
Napalitan ng pagkakunot noo ang mukha ko sa biro nito. "Para kang tanga. Hoy, hindi naman siya kawalan 'no." Saad ko para wala siyang masabi.
Tiningnan niya naman ako nang hindi makapaniwalang titig. "Weh? Talaga lang ha? Kung magkwento ka nga tungkol sa kanya wagas e. Halos lahat nalang may alalala ka sa kanya."
Napaismid nalang ako dahil do'n. Pinaalala niya pa talaga sa 'kin kaya wala akong masabi e kasi hindi ko naman kasalanan kung hindi ko napipigilan ang damdamin ko noon e totoo iyong naramdaman kong namimiss ko talaga siya lalo pa't naninibago ako noon.
"Crush mo pa siya?" Tanong niya ulit.
Hindi ako sumagot at tiningnan muli ang litrato. "Sus, maghihiwalay rin 'yan." Komento ko.
"Bitter mo. Tingnan mo nga ang sweet nila. Hindi pa ba iyan sapat para sa'yo?" Dagdag niya. Hindi ako bitter 'no, nagsasabi lang ng totoo.
"Ewan ko sa'yo." Laging sinasabi ko para makatakas sa mga ganitong bagay.
Iniwan niya akong mag-isa habang tumatawa. Naging tahimik ako sa upuan ilang segundo ang lumipas. Nang masiguro kong wala na siya, saka ko tiningnan ulit ang litrato nila. Ang bilis ng pangyayari na parang kailan lang okay ka pa sa 'kin pero ngayon ibang babae na ang pinapasaya mo.
Parang nakakapanibagong makita kang masaya kasama ang isang babae, iyong totoong mahal mo at mahal ka talaga. Haayy ang saya ko pa naman nung nalaman kong wala. Bakit ang bilis bumawi ng lungkot.
"Ellie, ito na 'yong parte ko sa report natin. Pag natapos mo sabihan mo agad kami para mapag-aralan."
Tulala lang akong nakatitig sa sahig kaya hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Lance. Nakakatamad kasing makinig gusto ko munang magrelax dahil stress ako sa schoolworks at kakaisip kay Kendrick. Nakakainis nga sarili ko e, pinopoblema ko ang hindi naman dapat.
"Hoy, hindi ka naman nakikinig e!" Gulat ko siyang tiningnan. "Anong nangyari sa'yo?"
Napailing ako sa tanong nito sabay kuha ng papel sa kanyang kamay para makapag-aral. "Para kang ewan. Akala mo naman broken e wala namang jowa."
Napangiwi ako sa sagot nito. "Bakit, may karelasyon lang ba ang nabo-broken? Pwede naman iyong mga wala ahhh." Katwiran ko.
Tumayo nalang ako at lumabas kaysa makinig sa mga pang-aasar ni Lance pero sinundan niya pa rin ako.
"Hoy, paano ka naman ma bobroken ni crush nga wala ka e. Hay naku, happy lang dapat kasi magpapasko na. Sabay tayong bumili ng mga regalo ahhh." Salita nito pagkatigil ko sa may corridor.
YOU ARE READING
Too Late, Ellie
Teen FictionEllie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision she make. A girl who pushes herself too much to something she like. She was doing fine, not until she met a man. Will she be true to hersel...