CHAPTER 19

83 1 0
                                    

Chapter 19

"Hindi ako makapaniwalang isang buwan nalang ay matatapos na ang freshmen year natin. Nakakalungkot naman. Siguradong mamimiss ko kayo, girls."

Nakaupo lang kami sa mini playground ng school kasama sina Kesha habang wala pang mga klase. Maingay ang mga tao sa room kaya napagisipan naming dito nalang muna tumambay. Wala ring pasok sina Kesha kaya kasama namin sila.

"Don't me, Vin. Alam ko namang masaya kang matatapos na ang klase dahil sulit na ang gala niyo lagi." Sagot ni Kesha at pabirong tinaas baba ang kilay. Natawa ako sa kanilang dalawa.

"Oo nga. Siguro ako lang talaga ang good girl sa 'ting lahat. Walang duda." Lahat napalingon nang sabay kay Marie nang sinabi niya iyon.

Tila gulat at hindi makapaniwala ang lahat sa sinabi nito. Nakangiti pa siya na parang proud talaga sa pinagsasabi. Nagkatinginan tuloy kami habang nakakunot ang mga noo.

"Hoy, huwag kang painosente. Ikaw kaya ang leader nila. Leader ka sa lahat ng mga gala, 'no!" Humagalpak kami sa tawa dahil sa walang prenong bibig ni Kesha.

Biglang naging aktibo si Marie nang tingnan nito si Kesha at parang nanghahamon. "Wow, Kesh. Galing sa isa sa supporter ko tuwing gala, galing mo ring magpa-inosente e." Gantong nito na animo'y palaban din.

Hindi na nakasagot si Kesha dahil tawa na nang tawa kaya ang iba sa amin ay natatawa na rin sa kanilang dalawa maliban lang ata sa akin na tahimik na. Bigla ko kasing naalala iyong pinagdaramdam ni Vina. Totoo namang mamimiss ko silang lahat e pati nga ata siya.

"Ellie, good thing you're here!" Nagulat ako sa sigaw ni Dina pagkapasok ko ng room.

Hinahanap ko ang boses nito at nang makita ko sa may gilid ay natuwa ako ngunit medyo napakunot ang noo. Nasa tabi niya lang pala si Kendrick pero nakayuko ito sa mesa. Mabilis ko silang nilapitan.

"Pakibigay naman 'to kay Marius, 'diba close kayo?" Hindi ako agad nakapag react nang sinabi niya iyon sa akin habang nakangiti nang malawak.

Hindi ko nga alam kung bakit bigla muna akong sumulyap sa tabi nito kung saan tahimik na nakamukmok si Kendrick. Nang mapagtanto kong hindi na siya lilingon pa sa akin ay tinuon ko nalang ang pansin kay Dina na naghihintay ng sagot ko.

Tiningnan kong muli ang papel sa kamay nitong naka-extend na sa harapan ko. Nalilito ako kung kukunin ko ba't ibibigay. Kahit naman sa konting bagay ay na-iissue kami, nahihiya nga ako kapag gano'n e.

"Ahh h-hindi ko kasi siya nakita e." Sagot ko, umaasang hindi na ako kukulitin.

"Okay lang, diyan nalang muna sa'yo. Pakibigay nalang kapag nakita mo siya." Pagpupumilit pa nito.

Gusto ko pa sanang bawiin kaso biglang may tumawag sa phone nito at kailangan niyang sagutin. Wala akong choice kundi kunin na lang iyon at bumuntong hininga sabay talikod.

"Masakit pa ulo mo?" Napatigil ako isang hakbang pa lamang nang marinig ko iyong tanong sa likuran ko.

Kahit hindi ko man nakikita, alam ko sa sarili ko kung sino ang tinatanong ni Dina. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kung kaya't hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at umalis na. Napabuntong hininga nalang ako dahil doon.

What's your problem and why are you like that, Kendrick. I wanted to care for you like you cared for me, but I couldn't. I'm scared you might deny me, the way I denied you.

"Ellie, wala pa si Prof?" Dumiretso ako sa labas para magpahangin muna at nang hindi masyadong iniisip si Kendrick.

Napatigil ako kakaisip para lingunin si Fia na kasama sina Jenny at Jasmine at may dalang pagkain. Umiling lang ako at ngumiti nang konti. Nagsipasok naman na sila sa loob kaya mag-isa ulit ako rito habang nagtitingin tingin sa paligid.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now