Chapter 17
"That will be the final groups for the end of the semester and since huling grupo na ito, I want you all to be attentive and be smart with the activities that will be given to you. Nakasalalay ang grado niyo base sa performances niyo bilang group."
The room became noisy as we heard the announcement. I didn't expect her to be this strict but we'll just understand since finals are coming for us and freshmen days are about to end.
"Guys, dapat maging alerto tayo ah. In every meeting or discussions there must be a person that will answer or even just a glimpse of his or her ideas para sa dagdag points."
Bawat grupo tuloy ay kanya kanya na nang pag-uusap para sa mga gagawin nila, maging kami nga ay nagkaroon ng masinsinang usapan sa pangunguna ni Jas na isa sa active student ng grupo at ng section. Lahat kami ay tumango at taimtim na nakikinig sa bawat nagsasalitang miyembro.
"At hindi dapat kalimutan ang magbasa ng lessons lagi para hindi tayo nabibigla sa mga tanong na ibabato sa atin." Dagdag ni Mich.
Lahat ng kailangang pagplanuhan ay napag-usapan na't naplano nang bigyan kami ni Prof ng oras para roon. Kakatapos lang namin mag-usap kaya balik sa dating posisyon ang lahat. Abala lang ako sa pagkalikot ng phone habang maingay ang paligid dahil sa ibang mga grupo.
"Masakit pa rin ba?"
Napatigil ako sa kaka phone dahil doon. Kahit gaano man kaingay ang paligid ay rinig na rinig ko pa rin ang boses na iyon. I looked to my side when I heard Jas' voice, turns out, he was asking Kendrick. Sa ngayon nakasubsob ulit ang ulo niya sa mesa habang minamasahe ni Jas ang batok nito. Hindi pa rin okay, I wonder if why his neck hurts right now?! He wouldn't answer Jas so I don't know how he's feeling right now.
"Ellie, samahan mo ako sa cafeteria."
Napaiwas ang tingin ko sa kanya nang bigla akong hinampas sa braso ni Vina. I glanced at him for the last time before standing up and leaving the room. Tahimik lang kaming dalawa ni Vina na naglalakad sa pasilyo ngunit agad niya ring sinira ang katahimikan.
"Swerte ng grupo niyo, El. Lahat matatalino at active, siguradong kayang kaya niyo ang lahat ng tasks. Haays, sana lahat." Animo'y nanghihinayang ito na hindi nakasali sa grupo namin.
I chuckled to what she said. "Ano ka ba. Syempre hindi naman ata lahat. Depende nalang iyan sa strategy na gagawin namin sa mga ibabato sa atin ni prof bigla. Alam mo naman si prof pagdating sa acads, napaka maselan."
Nagulat ako nang bigla niya akong hinampas sa balikat. "Tama ka nga, tsaka ang ibang miyembro rin pala sa inyo ay mahilig umabsent lalo na si Jenny, 'di ba?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga pala, minsan ay hindi nakakapasok ang iba sa amin lalo na si Jenny. Hindi ko alam kung bakit, ang sabi ng iba may family problem daw kaya kailangan niyang umuwi at hindi na pumasok. Paano na iyan?
"Pero okay pa rin. Nandyan naman si Jasmine tsaka ikaw pati si Kendrick." Dagdag nito.
Napalingon ako sa sinabi niya. Yeah, I trust Kendrick and I know we can do it all together. I just don't know how to interact with him or will I ever talk to him even we are in a one small group?
"Opps sorry, baka magselos pala si Marius."
Napatigil ako sa paglalakad nang binanggit niya si Marius kaya takang lumingon siya sa 'kin. "Anong nangyari sa'yo? Oyyy napatigil siya nung binanggit si Marius. Ikaw ha, may gusto ka na 'no?"I shook my head for frustration. I can't believe up until now they're still teasing me to Marius. Nakakapanibago at hindi ako sanay. Parang kahapon lang kay Kendrick pa ako inaasar ngayon naman kay Marius na.
YOU ARE READING
Too Late, Ellie
Teen FictionEllie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision she make. A girl who pushes herself too much to something she like. She was doing fine, not until she met a man. Will she be true to hersel...