CHAPTER 18

97 2 0
                                    

Chapter 18

Agad kong kinuha ang libro sa kanya at umalis sa harapan nito. Nakakahiya, baka sabihin niya gumagawa lang ako ng palusot sa librong 'to. E pero, duh, kitang kita niya naman 'di ba na galing 'to sa kaibigan ko kaya panigurado hindi iba ang iisipin no'n.

"Ellie, pahiram ng isa, magbabasa rin ako." Natauhan ako nang biglang tumabi si Mil sa akin. Nakangiti siya nang malawak.

Tiningnan ko ang mesa ko at nakita ang dalawang libro na nakapatong dahilan para mapaisip ako kung alin dito ang ibibigay ko. Ano nga ba, itong sa akin o kay Kendrick nalang kasi mayro'n naman na ako. E pero, ano nalang sasabihin ni Ken kapag nakita niyang iba na ang may hawak ng libro niya na ako ang naghiram. Haaays, kaloka. 

"Salamat, babalik ko nalang 'tong libro mo pagkatapos ng klase." Tumango ako at umalis na siya.

Tiningnan kong muli ang libro ni Kendrick na hawak ko. Nakakahiya naman kasi dahil kinuha niya pa 'to sa labas para lang ibigay sa akin. Nag effort din iyon aahh. Hindi nalang ako nag-isip ng kung ano at sinimulan nang magbasa bago pa tuluyang maubos ang oras ko kakatulala nito.

Bigla akong napatigil sa kalagitnaan nang marinig ang mga ingay sa paligid. Tiningnan ko ang kanan ko at nakitang kasama sa nagiingay ang isang ka grupo ko, aba't. 

"Vince, siguraduhin niyong may isasagot kayo mamaya ahh." Sarkastikong saad ko na ikinatigil niya sa ginagawa.

Nagpeace sign lang siya at nahihiyang napangiti at tumango bago tinuon muli ang atensyon sa laro. Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Pinokus ko ang sarili sa pagbabasa at pagiintindi ng aralin dahil pagkatapos nitong klase ay kami na ang sasalang sa harapan ng lahat.

"Good job, Team Macaraig!"

Nakahinga ako nang maluwag dahil natapos na rin ang isang oras na pagsasalo sa mga binabatong katanungan para sa amin.

"Great job, Mil." Bulong ko sa kanya pagtapos nitong sumagot sa katanungan ni prof.

Nagpapasalamat ako kasi kahit kulang kami ng tatlong miyembro ay nagagawa pa rin naming lumaban at maipakita na kaya namin. Iyon nga lang, may bawas ang grado namin dahil sa mga absents pero okay na iyon, atleast nalagpasan namin 'to.

"Tourist Guide."

Agad umalingawngaw ang boses ng lahat sa maliit na room na ito nang marinig ang anunsyong iyon mula sa kanya. Tila galak at tuwa ang naramdaman ng lahat dahil doon. Kitang kita ko sa bawat isa ang kanilang kasiyahan ngunit may ibang nalilito rin sa gagawing iyon.

"Ang ibig sabihin kailangan natin ng mga damit na isusuot base sa bansang napili natin?" Naguguluhang tanong ni Millie sa amin dito.

Natahimik kami sa grupo at tila tinablan ng katamaran dahil posibleng mangyari. "Mahihirapan tayo niyan." Bulong ni Vina.

Natigil kami nang biglang lumingon si Ash dala dala ang matalim na titig na iyon sa amin. "Shh, mamaya na 'yan. Makinig muna tayo sa paliwanag nang hindi kayo nagtatanong."

Biglang tumiklop ang mga bibig namin at mabilis na binaling ang mga sarili sa harapan para makinig. Tama nga naman si Ash, tenga ang gamitin at hindi bibig para alam namin ang mga mangyayari. 

"Each groups will have ten members. Two members of each will act as the tourist guide for their members. And those who are part of the tourists are dressed based on the countries that they want to."

Woah, that was so complicated...for me. I mean, how and where can I get my own clothes just to fit the right person for the activity. Pwedeng maging tourist guide nalang para pants at shirt lang ako nang hindi nahihirapang maghanap ng isusuot.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now