Chapter 22
"Si Kendrick Torres 'di ba?"
Putek! Nalaman niya talaga?! Pa'no at bakit niya ba inalam pa. Grabeng effort ata ang ginawa nito para makuha ang gusto. Hindi ako agad nakapagsalita bagkus ay lumapit sa kanya para icheck ang phone nito.
Gusto kong malaman kung bakit at paano niya nalaman ng gano'n kabilis at pagsabihan na rin na huwag maingay lalo pa't nasa harapan na kami nina Fia at Lance. Nawalan na tuloy ako ng gana sa pakikinig ng kanta dahil dito.
"P-pa'no mo nalaman?" Umakto akong normal lang para hindi niya ako asaring kinakabahan.
"Tama ba ako?" Tawa nito nang malakas. Napahinga na lang ako nang malalim sa sobrang kawalan ng sasabihin.
"Papa'no mo nga nalaman?" Pagpupumilit ko. Paulit uli lang ang tanong kong hindi niya sinasagot.
"Secret. Sabi ko na malalaman ko e. May pasikreto ka pang nalalaman diyan." Napangiwi ako sa asar nito.
Iniwan ko siya at nagtungo sa upuan ko para iwasan ang topic na iyon. Wala na nga ata akong magagawa dahil hindi ko na siya maloloko pa sa salita ko kaya ang tanging magagawa ko nalang ay siguraduhin na hindi siya mag-iingay sa harapan ni Lance na alam kong sobrang daldal pagdating sa ganitong bagay. Pati na rin kay Fia at Greg na kaklase namin dati.
"Huwag ka nalang maingay, pwede?" Nawawalan na ako ng pag-asang magpaliwanag pa, hindi niya naman paniniwalaan.
May mapang-asar na mukha siya sa akin na hindi ko lang pinapansin. Naiwan akong problemado kakaisip tungkol do'n. Ano kayang mangyayari sa akin nito. Naging abala nalang ako sa pagtingin ng social media ko para sana hindi na usisahin pa ni Missy kaso ayaw pa rin papigil. Daldal nang daldal sa tabi ko rito, mahina lang ang volume ng kanta kaya rinig na rinig ko siya.
"Wooy, mamaya na 'yan, chika muna tayo." Gigil nito nang ilayo ang phone sa mukha ko.
Kunot noo ko siyang tiningnan na hindi nawawala ang mga ngisi sa akin. "Bakit ba?"
One of the reason why I don't wanna tell Missy about this is because of her curiosity. She want to know everything. Tinitingnan ko lang siya habang nagdadaldal sa harapan ko. Wala akong pakialam sa pinagsasabi nito kasi sa sobrang bilis magsalita e nakakatamad habulin para intindihin.
"Mamaya na nga lang." Ngumuso siya at bumalik sa upuan.
Kapag sinabi ko sa kanya ang lahat babalik na naman ang mga alalala ko nung first year kami. Iyong pinakauna talaga nung una ko siyang nakilala nang maayos. Katamad magkwento. Masyado akong lutang sa araw na ito dahil kay Missy.
"Ellie, promise hindi ako mag-iingay. Kwento mo lang sa akin kung bakit mo siya naging crush? Share ka naman diyan." Haays. Pa'no ba 'to.
Kapag nagpumilit pa si Missy baka hindi ko na mapigilan ang bibig ko at masabi sa kanya lahat. Syempre gustong gusto ko ring maglabas ng nararamdaman ko at maganda magkwento sa taong estranghero sa mga nangyari sa nakaraan. Kapag si Kesha naman kasi ay alam na lahat, masarap din magkwento sa ibang tao. Natetempt na talaga ako nito e. Sasabihin ko ba o......
"Ang tangkad naman pala niya." Komento nito nang makita ang litrato ni Kendrick.
Nasa library lang kaming dalawa habang hindi pa labasan. Nasa canteen naman ang mga boys para maglaro sa phone nila na naman. Mabuti na ring wala sila para may oras kami ni Missy nang kami lang. Napangiti ako sa sinabi nito tungkol kay Kendrick.
"Mas tumangkad siya ngayon tsaka 'yong katawan niya medyo tumaba in a good shape kasi dati sobrang payat niyan." Hindi ko namamalayan ang mga ngiti ko habang inaalala siya.
YOU ARE READING
Too Late, Ellie
Teen FictionEllie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision she make. A girl who pushes herself too much to something she like. She was doing fine, not until she met a man. Will she be true to hersel...