Chapter 21
"Hoy, anyare sa'yo?"
Tahimik akong nakatingin sa malawak na field ng school habang nagmumuni muni. Napahawak ako sa may dibdib sa gulat dahil sa boses mula sa likuran ko. Kunot noo ko itong nilingon sa sobrang inis.
"Ano ka ba, nanggugulat ka na naman e!" Pasigaw na reklamo ko kay Missy habang nakakunot noo. Kainis 'to, lagi nalang.
Hindi siya natinag sa ginawa ko bagkus ay tinawanan lang ako sabay upo sa tabi ko. "E pa'no ang tahimik mo riyan. Akala mo naman broken tapos nasa music video lang. Feel na feel mo iyang emosyon mo ahh, hindi masyadong halata sa ekspresyon mo." Natatawang asar nito.
Hindi ako nakasagot sa sinabi nito kung kaya't natahimik na lamang ako. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot do'n, tsaka wala akong gana ngayon. Gusto ko lang ng katahimikan pansamantala. Ewan ko ba, magmula nung nalaman kong tuluyan na nga siyang lumipat ay sobra akong nalungkot at nagdamdam dahil nga sa inaakala kong hindi siya aalis.
"Ewan ko sa'yo riyan, tara na nga. Kanina pa kita hinahanap, magsisimula na ang susunod na klase." Paghila nito sa kamay ko sabay mabilis na naglakad.
Isang linggo na ang nakalipas magmula nung huli siyang magmessage sa gc at sigurado akong hindi pa iyon nakakaalis dahil may one month pa naman bago ang pasukan nila. Hindi ko lang alam kung kailan siya aalis.
"Tulala na naman." Natauhan ulit ako nang marinig ang boses ni Missy.
Kakarating palang namin sa room pero ganito na agad ako. Mabuti nga hawak hawak ako ni Missy kanina habang naglalakad kami kung hindi, baka natatamaan na ako kung saan sa sobrang blanko ng isip ko ngayon.
"Kainis ka talaga. Doon ka na nga, dami mong napapansin." Biro ko rito. Tumawa siya ngunit iniwan din ako.
Nang mawala na siya sa tabi ko, nakaramdam ako ng katahimikan sa sarili. Mabuti na lang at tahimik din ang paligid kaya mas lalo akong ginaganahan kapag ganito lang palagi. Akala ko magagawa kong sundan si Missy nang makita ang masaya niyang pakikipag-usap kay Lance.
Ngunit hindi na natuloy nang mas pinili ng utak ko na mang stalk ulit at mangalap ng impormasyon galing kay Kendrick. Nang tingnan ko, wala naman masyadong espesyal. Tahimik ng feed niya at kahit myday ay wala, pilit kong pinaniwalaan ang sarili na nandito pa siya kahit wala akong balita, may pinanghahawakan kasi akong bagay na makakapagpatunay sa paniniwala ko.
Flashback
Kendrick : Nauna pa pala kayo sa 'kin e.AJ : Kaya nga e, akala ko sabay lang tayo ng araw ng pasukan.
Jasmine : Mabuti pa si Kendrick ang daming free time. Hindi pa iniisip ang mga academic problems :(
Beatrice : Sus, tingnan natin kapag nagsimula na pasukan nila. Hindi ka kaya mamutla kaka-aral mo.
Kendrick : Bitter ka talaga, Bea. Huwag mo nga akong idamay sa stress mo sa school : D
Vince : Kailan ba pasok niyo, Ken?
Kendrick : Next month pa kaya for the meantime, dito muna ako habang hindi pa nagsisimula.
Dina : Tara inuman tayo!
Kendrick : Hindi ko sure e pero update ko nalang kayo. Gusto ko rin naman magsaya muna bago ako umalis kasi baka matagal pa bago ako makabalik.
End of flashbackHindi ko manlang siya nakikita kahit anino niya. Pa'no na kapag umalis siya, mas lalong mahihirapan akong makita siya. Ngayon ngang nasa malapit lang ang hirap e, sa malayo pa kaya. Naku, parang ang laki naman masyado ng iniisip ko nito.
YOU ARE READING
Too Late, Ellie
Teen FictionEllie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision she make. A girl who pushes herself too much to something she like. She was doing fine, not until she met a man. Will she be true to hersel...