CHAPTER 33

82 2 0
                                    

Chapter 33

"Move on 'yan?"

I was forced to tell them the truth about my feelings for Kendrick, but they still keep on insisting of what she want to believe.

"Paulit ulit ka talaga." Reklamo ko.

Medyo nalilito siya nung una ngunit nang makapag-adjust na ay saka gumuhit ang malapad na ngisi nito't mapang-asar na mukha sa akin. Maging ang iba ay natatawa nalang habang kunwaring tumatango.

"Talaga ba? Fia, move on na raw oh, sige chat mo na talaga si Kendrick."

Awtomatikong gumalaw ang ulo ko para lingunin iyong taong nagsalita. Pakshet talagang lalaking 'to, pareho lang sila ni Fia e. Grrr kapag ako talaga makapag blackmail sa kanila.

"Huwag nga kayong mamblackmail. Ang pangit niyo ka-bonding, seryoso." Iritadong sagot ko at tinaas baba ang eyeballs.

Napa oww naman sila sa asar dahil sa tapang ko. "Owww she's mad. Are you mad?" What a sarcastic question from Lance.

I'm not in the mood to talk them. I just want to exclude myself from mockery first especially if it's coming from them. Umalis muna ako sa mesa namin at naglakad lakad habang vacant pa namin. Mahangin, maaliwalas, tsaka tahimik ang paligid kung kaya't ang sarap sa pakiramdam.

Napatigil ako sa may corridor at sinandal ang sarili roon habang nakatitig sa malawak ng field sa ibaba. Kung sana ganito lang katahimik ang lahat tulad ng dati.

"Ellie, anong ginagawa mo riyan?" May nagsalita sa likuran ko ngunit bago ko pa malingon ay nasa tabi ko na siya.

"Wala, nagpapahangin lang. Ikaw?" Tanong ko kay Marie.

"Nagbanyo. Kasama ko si Ria, nasa loob lang naghuhuhas ng kamay." Sagot nito. Tumango ako at naginqg tahimik kaming dalawa ulit habang nakatitig sa aming harapan.

"Siya nga pala, sama ka sa field trip, El ahh."  May kasamang galak ang aking mga titig nang tingnan ko siya para sagutin. It is not yet confirmed, but I feel excited if ever.

"Hindi pa naman sigurado tsaka hindi ko rin sure kasi magpapaalam pa ako." Sagot ko lang. Ayokong mag-expect sila.

Bumusangot naman ang mukha niya. "Gano'n? Hays, sana naman payagan ka. Magpaalam ka ahhh para magkakasama tayo."

Napangiti ako at tumango sa kanya. Wala pa namang further instructions galing sa mga Dean na kahit iyong destinasyon na pupuntahan ay wala pa rin kaya kinakalma ko iyong sarili habang nagiipon ng lakas ng loob para makapag-paalam. Chill lang muna baka mamaya hindi din pala matuloy. Ang sakit kaya umasa na naman, hmp!

"Sana talaga matuloy iyong field trip. Kating kati na akong gumala at sumaya." Natawa ako sa pagmamaktol nito. Akala mo naman hindi nakakagala rito.

"Magpapaalam talaga ako nang mabuti para payagan." Sagot ko sa kanya na mabilis niya inapprobahan.

Usap usapan pa rin ang tungkol sa field trip na sinabi ni Prof kahapon kaya naman kahit wala pang kasiguraduhan ay excited pa rin ang lahat sa binanggit niya at umaasang matutuloy nga.

Pagbalik ko sa room, halos iyon din ang topic na pinag-uusapan ng lahat. Kahit saan nga akong magpunta, kahit sinong kaibigan ang kasama ko ay iyon ang umalingawngaw sa kanilang mga bibig maging sa paligid namin.

"Sana talaga matuloy. Ang unfair naman kasi kung hindi e iyong mga seniors natin last year natuloy kaya sila, 'di ba, Ash?" Tanong ni Mich. Kasama ko sila ngayon sa canteen.

Ashley has an older brother that once studied here and even experienced a field trip together with their classmates, unfortunately he already left and transfered to other school, but what's good is that he still experienced a trip with his classmates even just for once.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now