Chapter 34
Kendra : Yes, girl. I was kinda shock knowing about it.
Ellie : Usap ulit tayo next time ahhh. Marami pa tayong ichichika. I miss you!
It was nice talking to my former friend, Kendra. We've been classmates for only a year but our friendship still remains even years passed. Medyo matagal din bago kami ulit nakapag-usap kasi busy rin siya.
Pagkatapos kong mailapag ang phone ay saka naman dumating si Fia. "Ellie, papayagan ka bang magsleep over sa birthday ko? Sige naaa, ngayon lang naman e." Pagpupumilit nito.
Napaisip ako saglit nang matahimik. Hmm, okay lang ba? Wala bang magiging sabagal. "Pwede rin." Sagot ko.
Mabilis ang pagliwanag ng kanyang mukha sa sobrang tuwa. "Talaga?! As in sureness?" Hindi maipinta ang kagalakan sa mukha nito dahil sa sagot ko.
Tumango ako. "Nakapag paalam naman ako kay mama dati pa at pinayagan ako, pero susubukan ko ulit kasi baka nakalimutan niya."
Tumango tango siya nang may ngiti sa labi. "Okay na okay, El. Sana payagan ka pa ngayon."
I have high hopes that my mom will allow me dahil birthday naman iyong pupuntahan ko. Binigay ko pa ang imbitasyon sa kanya para sigurado. Tsaka ngayong hindi na tuloy ang trip, baka mas payagan ako ni mama.
"Ellie, may sasabihin pala ako sa'yo." Napakunot noo ako nang sinabi niya iyon.
Naghintay ako at tumahimik bago niya ako tinitigan sa mga mata at nagpatuloy. "Hindi makakapunta si Kendrick."
Isang ngiting maikli ang binigay niya sa akin kasama ang mga malulungkot na mga matang iyon. Hindi ko aakaling pati ako ay nadadamay sa lungkot niya kahit hindi ko naman siya kaibigan. Ngunit mas mabuti na rin iyon para ma-enjoy ko ang party nang walang pinopoblema, lalo pa't karamihan sa mga bisita niya ay galing first year.
"Busy kasi siya sa school nila kasi malapit na exams week." Walang tigil na salita nito habang tahimik ako't napangiti lang.
Syempre wala na akong magagawa pa roon. Si Fia nga na kaibigan at may birthday hindi na napilit e, sino ba naman ako para balikan niya. Okay na rin iyon, gaya nga ng lagi kong sinasabi, kung magkikita man kami gusto ko iyong pribado. Walang makakaalam, tanging kaming dalawa lang.
"Sino na naman 'yang kausap mo at tumatawa ka pa?"
Napatigil ako sa pagtawa nang biglang magsalita si Kesha. Dito ako dumiretso sa library pagkatapos kong iwan sina Fia sa canteen. Vacant naman namin pareho kaya okay lang. Kausap ko pa rin si Kendra ngunit naputol dahil kay Kesha. Nasa library lang kami at nagpapalipas ng oras. Nakikinig siya ng kanta nang biglang magsalita.
Malisyosang tingin niya agad ang bumungad sa akin. "Si Kendra lang 'to 'no."
Biglang nagbago ang ekspresyon niya at ngayon ay nakikipag-usap na. "Talaga? How is she na? You're really that close to even talk through chats until now?"
I nodded. Kaklase kaming tatlo noon pero ako iyong mas naging close sa kanya. Tahimik niya lang kasi dati kaya kinakausap ko dahil magkatabi lang kami.
"Mabuti hanggang ngayon nagco communicate pa kayo?" Hmmp, kakasabi pa nga lang e.
"Actually dati, nag stop iyong communication namin kasi naging busy siya kaya ayun nagkakahiyaan na dahil ilang taon na rin ang tinagal. Nagulat nalang ako nung last week, siya iyong unang nagchat sa 'kin hanggang sa ito na nga." Paliwanag ko para maklaro niya.
I told her about the failed field trip that happened. Karamay ko rin siya sa pagdadalamhati ng nasayang na pera, enerhiya, sabik, at tuwa ng bawat isa.
YOU ARE READING
Too Late, Ellie
Teen FictionEllie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision she make. A girl who pushes herself too much to something she like. She was doing fine, not until she met a man. Will she be true to hersel...