CHAPTER 16

102 1 0
                                    

Chapter 16

"Pakiulit nga ng sinabi mo kagabi, hindi ko maklaro e."

Iyon agad ang salita ni Kesha pagkalapag palang nito ng bag sa mesa. Niyaya ko siyang mag-usap kami rito sa canteen at dahil vacant naman naming dalawa ay ngayon na namin tinuloy. Kagabi ko pa sinabi sa kanya sa tawag ang tungkol sa narinig ko kay Ken ngunit hindi niya raw maintindihan masyado kasi inaantok na siya kaya ngayon niya pinapaulit, iyong klaro dahil harapan.

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kawalan. "Lilipat na raw siya ng paaralan next year. Narinig kong sinabi niya iyon galing mismo sa bibig nito."

Napa O shape naman siya at tumango tango na parang wala lang sa kanya ang narinig. Wala kang nakikitang panghihinayang sa mukha nito, hindi katulad ko na nalulungkot.

"Bakit naman ang lalim ng buntong hininga mo riyan? Affected?" Nagtataka nitong tanong.

Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya saglit sabay iwas ulit ng tingin. Baka kung ano na naman ang iisipin nito kapag sumagot ako.

"Hala, crush mo siya 'no? Kaya ka malungkot kasi affected ka, 'no?!" Kitams? Kahit hindi ako sumagot, may masasabi talaga siya. Minsan mali, madalas tama ang mga hinala.

Nagkibit balikat ako sabay inat nang konti. "Siguro." Tipid kong sagot.

Napasapo siya sa noo dahol sa sagot ko. "Anong ibig mong sabihing 'siguro'? May gano'n ka pang nalalaman ahh." Asar nito.

Napa face palm na rin ako dahil sa tanong na iyon. "Crush ko siya kaso hindi ko sure kung gusto pa niya ako o gusto niya ba ako. Ayokong umasa na naman. Hindi rin naman kami sigurado sa isa't isa kaya hindi ko sure itong nararamdaman ko para sa kanya." Pag-amin ko.

Napahalukipkip siya at sumandal sa likuran ng upuan. "Malay mo naman gusto ka niya, hindi niya lang pinapakita."

Napailing ako dahil doon. "Kaya nga nalilito ako kung ipagpatuloy ko pa ba 'to kasi baka mamaya umaasa lang pala ako. Mamaya one sided love na naman 'to."

Uminom ako ng tubig para gumaan ang pakiramdam bago magpatuloy. "Tsaka ano pang sense nitong nararamdaman ko kung mapapalayo rin naman kami sa isa't isa. Wala pa ring patutunguhan."

Nakita ko sa mukha nito ang pagsang-ayon nito sa sinabi ko ngunit hindi lang nagsalita. Tahimik kami sandali at walang nagsasalita. Dahil nga kami lang ang vacant ay tahimik ang paligid dito sa canteen kaya masarap tumambay. Mahangin at tahimik, pwede ring matulog.

"Saan daw ba lilipat?" Pagbasag nito sa katahimikan.

Napatingin ako sa kanya dahil doon. Nag-isip ako saglit para alalahanin ang narinig ko noon ngunit parang hindi ata nila nabanggit iyon e.

Napakamot ako sa ulo dahil sa isasagot. "Sa ibang school lang ata."

Geez, siguradong magtatatalak 'to rito dahil sa sagot ko. Nakita ko na ang pagtaas niya ng kilay sa akin. "Pati 'yan, 'di mo rin sure?" Pagtataray nito.

Napaismid nalang ako sa sobrang inis dahil sa pagbi-big deal nito. "Ano ka ba? Bakit ganyan ka umakto e hindi ko pa naman din sure iyong nararamdaman ko sa kanya kaya walang dapat ikabahala."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang pagiling nito na animo'y nadidismaya. "Wala pa ngang kasiguraduhan, mawawala na agad." Ngumiti lang ako sa kanya nang maikli.

"Hindi ka kasi nakinig sa sinabi ko dati e." Napaisip ako sa sinabi niya saglit ngunit agad ding natawa nang maalala iyon.

Flashback
"Nakakainis! Nakakagigil. Haays, nakaka stress." Paulit ulit na binibigkas ko habang nagbabasa ng libro.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now