CHAPTER 27

94 1 0
                                    

Chapter 27

"Ellieeee, I missed you!"

Rinig ko ang boses ni Missy sa likuran kung kaya't tumigil ako sa paglakad para hintayin siya. Agad niya akong sinunggaban ng yakap pagkalapit namin sa isa't isa. Napaka energetic na naman nito umagang umaga.

"Ganda naman ng bumungad sa 'kin ngayon." Biro ko sa gitna ng yakap namin. Namiss ko na rin 'to nang sobra.

Nilayo niya ang katawan niya sa akin sabay palo sa balikat. "Syempre 'no. Unang klase natin ngayong bagong taon kaya dapat may mahigpit na yakap para sa'yo at syempre para na rin mahawaan ka ng positive energy ko."

Natawa nalang ako sa sobrang daldal nito. Namiss ko ring pakinggan ang walang katapusang chika niya sa akin ahhh lalo na iyong matinis niyang boses. Nagpatuloy kami sa paglakad habang nag-uusap.

Sobrang daming baon ni Missy na kwento kaya maingay kami habang naglalakad. Nasa canteen kami dumiretso kasi walang pasok sa unang subject. Oo, unang araw pero wala agad pasok sa unang klase ng bagong taon. Okay na rin atleast manlang may pahinga kahit konti.

"Guys, malapit na palang matapos ang klase ulit. Ang bilis masyado parang kahapon lang sabay sabay pa tayong kumakain." Missy started bringing up that topic again.

Nung pasko pa niya binabanggit ang tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng klase kesyo parang ang bilis daw dahil kakakilala palang naming apat. Kahit naman matapos ang taong ito, masaya pa rin ako kasi may babaunin akong masayang alaala kasama sila.

"Parang kahapon lang hindi pa tayo close tapos dalawa palang kayong kumakain at ang tahimik pa. Pero simula nang sumama kami hindi na kayo tahimik at mga boring." Daldal na naman ni Lance.

Tinaasan namin ng kilay ang kaharap namin. Ito na naman siya sa pagyayabang sa sarili. Kesyo kung hindi daw dahil sa kanya saan daw kami pupulutin. Luh, akala mo naman siya iyong bumubuhay sa amin. Natawa nalang si Lay habang tinitingnan lang kami ni Lance gamit ang pa-inosente nitong mukha.

"Parang kahapon lang ang bait at tahimik pa namin, ngayon ang ingay na at dahil iyon sa iyo. Sobrang BI mo kasi e." Pabalang na sagot naman ni Missy sa kanya.

Hindi ko na mapigilan ang tawa ko sa kanilang dalawa dahil nagsimula na naman silang magbangayan. Ayaw patalo e.

"Hoy tanga, pasalamat ka nga dahil sa amin nagiging masaya kayo. Hindi katulad dati, ang lungkot niyo tingnan. Parang mga loner." Napapaismid nalang talaga ako sa pinagsasabi ng lalaking ito. Masyadong malaki ang ulo.

"Tanga, naging BI ka nga sa amin e." At nagsimula na rin silang dalawang magbangayan sa tabi namin.

Hanggang ngayon hindi pa rin sila nagbabago pero mas nagiging masaya akong nakikita silang ganyan kasi nakakatuwa lang tsaka wala namang personalan e.

Mararamdaman mo talaga iyong closeness nila sa isa't isa. Nang tumatagal na silang hindi pa rin tumitigil ay napag-desisyonan ko nang pumagitna para patigilin sila.

"Guys, huwag niyo sabihing ganyan na lang kayo palagi hanggang matapos ang taong ito. Pwede tigil na? Nakakarindi e." Prangka ko sa dalawang ito rito para tumigil. 

"E kasi naman 'tong lalaking 'to, ang yabang!" Katwiran ni Missy. Alam kong mayabang pero hayaan nalang sana.

"Hoy tanga, ako na naman nakita mo!" Walang magpapatalo e.

Hindi pa rin sila natigil kaya hinatak na ako ni Lay paalis sa kanila at iwan silang nagsisigawan na. Mabuti nalang nandito si Lay kung wala, naku, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naging abala na ako sa phone ko nang biglang sundutin ni Lay sa tabi ko.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now