Chapter 6
"Sama ka bukas? Tagaytay tayo tapos balik agad ng sunday."
I didn't expect hearing my uncle's words, kaya ba dito sila matutulog ngayon ni Antie para sa lakad bukas? Sembreak na ngayon kaya makakapasyal kami kahit isang araw lang. Dito nalang sila natulog sa bahay para diretso agad bukas. Syempre agad na akong pumayag, makapag unwind manlang kasama ang pamilya ko't mga pinsan.
I need this too. After the cheerdance competition ay medyo pagod pa rin ang katawan ko lagi. First kong sumali ngunit hindi ko inexpect na nakakapagod pala masyado at masakit sa katawan. Maaga akong natulog para hindi mahuli ng gising. Napaka eary birdy pa naman nina uncle kaya nakakahiya. Mas mabuti na rin na rito sila matulog sa bahay para alam ko at aware ako kung paano ang takbo ng pagkilos nila. Naghanda na rin ako ng isusuot at mga damit na dadalhin para hindi na hassle kinabukasan.
"Kasama ba yung tatlo uncle?"
Madaling araw palang ay bumyahe na kami para makarating agad. Malamig pa ang simoy ng hangin at medyo inaantok pa ako kaya matutulog muna ako pagdating ng mga pinsan ko.
"Kasya pa ba?"
Sinundo na namin ang tatlong pinsan pa namin. Elementary and highschool palang sila kaya minsan lang kung payagan ng mga magulang. Hindi na ako nakatulog ulit dahil sa ingay nila kaya nakinig nalang ng music. Alam kong madadaan namin ang bahay ni Nathan dahil same way ng dinadaan namin ang lugar nila. I asked them kung nasaan na kami and I'm right ito na nga ang lugar nina Nate kaso hindi ko alam kung saan banda 'yung bahay. Basta sinilip ko lang ang paligid, kanan at kaliwa.
"Sinong hinahanap mo, Ellie? Boyfriend mo ba?" I parted my lips when my aunt teased me while my cousins were laughing.
I took a deep sigh secretly at hindi nagpakita ng kahit anong kaba na mas lalong magpalakawak ng nga ngiti nila.
"Pupunta po kasi kami sa bahay ng kaklase ko for groupings at dito 'yong lugar nila kaya t-tiningan ko lang gano'n k-kalayo." Palusot ko rito.
I sighed secretly when they stopped teasing me. Gosh, 'buti nalusutan ko 'yon, ang ingay kasi ng mga pinsan ko. After an hours of driving nag-decide si uncle na kumain muna ng breakfast sa isang fast-food. Ilang oras ulit ang byahe bago dumating sa Tagaytay.
"Daan muna tayo sa pinsan niyo."
Dito kasi nag aaral si ate, panganay naming magpipinsan. College rin siya at nasa third year na. Dumaan muna kami sa kanya para makasama siya. Naabutan naming nakatayo at naghihintay na ito sa labas ng school nila. Naka dorm kasi sila sa school nila kaya less hassle talaga.
"Kompleto pala kayo? Aba, hindi kayo busy ah. Sana lahat." Natawa kami sa sinabi ni ate.Halata mo sa mukha nito ang stress at pagod. Syempre pag aaral lang naman ang pinagkaka-abalahan niya e, wala namang boyfriend. Mabuti na rin 'yon.
"Kumusta naman mga pag aaral niyo?"
We spent the whole day, uuwi rin kami mamayang gabi dahil masyadong maraming ginagawa si uncle sa trabaho nito. Ngayon lang naman kami pumunta kaso sakto rin na mayka meeting siya rito kaya sinama na kaming lahat.
"Meet your groupmates and discuss about your plans."
Ang bilis ng takbo ng mga araw, may pasok na naman kami at may groupings pa. Anatomy & Physiology sub namin ngayon and we need to make a presentation with our assigned topics. We are 7 in a group kasama ko sina Dim, Vince at JJ samantalang dalawang babae lang kami ni Lorie.
I'm having a feeling na mahihirapan kaming ihandle ang grupo base sa mga ka groupmates ko. Makukulit sila at pasaway minsan, hindi nagseseryoso tapos si Lorie naman ay excused kasi school officer siya althought nandito siya sa meetings pero the day of presentation, wala siya. Ako lang nito mag isang ihahandle ang grupo kasama ang mga lalaki.
YOU ARE READING
Too Late, Ellie
Ficção AdolescenteEllie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision she make. A girl who pushes herself too much to something she like. She was doing fine, not until she met a man. Will she be true to hersel...