Chapter 20
Two months passed
"Ellieeee, namiss kita nang sobra!"
Naglalakad palang ako sa may hallway nang biglang umalingawngaw agad boses ni Kesha sa paligid habang naglalakad ito papunta sa akin. Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap at malawak na ngiti. First day of class ko ngayon bilang isang second year college at hindi makakaila na mas marami akong nakikitang hindi pamilyar sa paligid ko.
Mukhang marami atang transferres ngayon kaysa dati. Ako tuloy naiis-stress sa kanila. Mahirap maghabol ng mga lessons lalo na kapag college pero mas dumami pa ata ang transferre ngayon kumpara nung una.
"Kesh, mabuti nakita mo 'ko. Hatid mo ako sa room ko, nahihiya ako e." Pagpupumilit ko rito.
Napahinga naman ako nang maluwag dahil walang pag-aalinlangan itong sumang-ayon sa akin. Sinamahan niya ako papunta sa room ko at medyo nabawasan na ang kaba nang makita ang mga pamilyar na mukha. Mabilis kong nilapitan si Fia pagkaalis ni Kesha.
"Ellie, mabuti naman at mag-kaklase ulit tayo." Biglang saad nito pagkaupo ko sa tabi niya. Tumango ako at ngumiti nang malawak sa kanya.
Nilibot ko ang paningin sa room. Maraming bagong mukha nga ang nakikita ko ngayon kaya kinakabahan ako. Ayoko talaga kapag first day of class. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa presensya ng mga bagong tao sa paligid ko, ang mas malala wala kang magagwa kundi pakisamahan nalang sila at tiisin ang kaba mo.
"Ako si...." Saglit akong napatigil at tiningnan ang paligid.
Bigla akong kinabahan nang makita ang mga mata nilang tutok na tutok sa akin at animo'y bawat galaw ko ay talagang sinusubaybayan. Kinabahan ako lalo pa't wala pa akong masyadong close rito. May ibang mga kaklase at schoolmate ko naman last year ang kasama ko pa rin ngayon pero hindi kami gano'n ka close.Kumalma ako at huminga ulit nang malalim bago tuluyang maging handa. Nakakapanibago pero kailangan.
"My name is Ellie Rivera, 20 year old. I've finished my freshmen year in this school, and continuing my sophomore here with new people." Ngiti ko nang malawak sa kanila.
Ilang araw pa ang lumipas at unti unti nang nagiging malapit ang mga kaklase ko sa isa't isa pwera nalang ata ako. Si Fia lang ang babaeng kaklase ko last year na kaklase ko ulit ngayon, pero hindi pa kami close kaya dumidistansya pa rin ako lalo na kapag kasama niya ang mga kaibigan nito.
"Ellie, pakitingin naman nitong mga gamit ko, magbabanyo lang ako saglit." Tumango ako sa suyo ng kaklase ko.
Tahimik akong nagbabasa ng libro kasi wala namang klase ngayon. Isang oras kaming vacant kung kaya't ang iba sa amin ay nagsilabasan habang ang iba ay nasa room lang at may kanya kanyang ginagawa kaya maingay ang paligid.
"Kim, ang ganda naman ng salamin mo.'
Napatigil ako nang marinig ko ang salitang 'yon. Tiningnan ko ang mga kaklase ko na kinikilatis ang salamin ng isang estudyante rito. Hindi ko nga alam kung bakit ako biglang naalarma nang marinig ang salitang 'salamin'.
Ang alam ko lang, may biglang pumasok sa alaala ko ulit dahil sa salitang iyon. Dalawang buwan na ang nakalipas, ngayon ko lang siya ulit naalala, biglaan man ngunit dahil iyon sa mga kaklase ko.
Flashback
"Ibang klase na naman ang salamin mo, Ken." Bigla akong napalingon sa kanilang banda dahil do'n.Napasingkit ang mga mata ko para makita nang maayos ang tinutukoy nila. Napapansin ko ngang paiba iba ang kulay ng salamin ni Kendrick kaya nagtataka rin ako. Gano'n ba siya kayaman para magpapalit palit ng gamit?
YOU ARE READING
Too Late, Ellie
Teen FictionEllie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision she make. A girl who pushes herself too much to something she like. She was doing fine, not until she met a man. Will she be true to hersel...