CHAPTER 11

149 2 0
                                    

Chapter 11

"Remember, we have a classroom competition for the decors so I want you all to also give effort with our room. We hope to get the first prizee, right?"

Ang daming ganap araw araw. Hindi pa man nakakalahati ang buwang ito e padami nang padami ang mga gagawin. Muntik na tuloy naming makalimutan ang tungkol sa classroom competitions na dapat e ginagawa rin namin. Nakakahiya at puro si prof nalang lahat ang kumikilos rito.

"Galit na tuloy si prof." Bulong ni Millie sa tabi ko. She's the artist of the group, syempre manghihinayang din siya.

'Yung gustong gusto na niyang tumulong dito pero hindi pa magawa dahil may kanya kanya pang dapat tapusin para sa iba't ibang asignatura.

"Hay ang dami kasing gawain, muntik na natin makalimutan 'to." Saad ni Mich habang nililibot ang tingin sa paligid.

Wala pa kaming plano kung anong gagawin namin sa room, pa'no makakapagplano e lahat abala sa mga ginagawa.

'"Alam kong wala pa kayong naiisip na plano kaya ako na ang nag-isip ng lahat. Nakabili na rin ako ng mga materials na gagamitin and I started planning...." Saad niya.

We felt embarrassed on him and to the sub teachers. Nasa gilid lang ang mga sub teachers na nandito ngayon para sa isang gawain na binigay ni Dean at dito sila pinagagawa kaya nakakahiyang marinig ang mga pangaral at pag kadismaya ni prof sa amin. Tahimik lahat, syempre walang ma-isagot e.

"I expect you to help later and tommorow."

He immediately left after the final announcement. Magbibigat na paghinga ang maririnig sa buong sulok ng classroom. Mararamdaman mo talaga ang pressure at kaba ng bawat isa.

"Pag-usapan niyo muna ang magiging plano niyo para hindi mahirapang i-manage ang mga oras sa dami ng gawain niyo." Marius' mom said.

They we're actually helping us by giving ideas on how to do about it. Napapatango nalang kami habang nakikinig sa kanila. The president stood up after that quick talk.

"Guys, since nakahanap na tayo tent natin, I suggest na mag focus muna tayo sa classroom natin. We need to handle our time perfectly tsaka kahit ngayon lang dito muna tayo magfocus."

Napatahimik kami sa sinabi niya at tumango nalang. Lahat sumang-ayon na mamaya ay tutulong sa room dahil nilipat naman 'yong feast day dahil sa kakulangan ng mga gamit dahil nga masama ang panahon kaya binigyan ng extension para maghanda.

Hindi ko nga ala kung bakit masama ang panahon lagi. Nung October pa 'to nagsimula e December na ngayon at gano'n pa rin. Nakakaabala tuloy sa mga ginagawa namin.

"Since extended naman we still have our time to help with our room."

After that long discussion for the planning agad kaming nagtungo sa next class namin. Kakatapos palang ng exams kaya makukuha na namin ang test results ngayon. Omg, kinakabahan na ako nito.

"I have here your test results and alam niyo naman ang gagawin sa mga scores niyo..." 

Lahat tumango nang tahimik. Our Prof is always updated with our grades and she's also strict. She is a bit old so it's not easy to go and ask her about our grades that's why  we need to be alert and prepare on our own. I wondered how Kesha and her blockmates surpass the hardness of their Prof when it comes to their grades.

The seating arrangement were arranged depending on your scores. Nung first sem, I got the highest score so I was seated at the very last chair positioned for the highest student at ngayong second sem, I don't know what to feel but I'm nervous with the result right now.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now