CHAPTER 15

141 2 0
                                    

Chapter 15

"Those who want to join, you may list your names here and be sure to attend the meeting tomorrow for further informations."

Our department plans to have a visit for the senior citizens and children in an orphanage. It will also contain some activities that might help the people fun and enjoy for a bit. It is not compulsory that's why some students didn't join.

"Sama tayo. Exciting 'yon!" Nanggigigil na si Millie rito sa tabi namin sa sobrang sabik.

Hindi tuloy naming mapigilang Matawan sa kanya, hyper na naman 'to ngayon. Naghintay nalang kami sa papel na dumating sa amin para ilista ang mga pangalan doon.

"Hindi ka sasama?!"

Napatingin ako sa taong sumigaw sa likuran ko. It was AJ asking pertaining to Ken? Hindi siya sasama? Bakit? Ako lang ata ang nakarinig ng sigaw niya o ako lang talaga ang lumingon para umusisa. Pinakiramdam ko sila para marinig ang pag-uusap.

"Hindi nga. May lakad kami ni Mama." Rinig kong sagot nga ni Kendrick.

Napabuntong hininga ako dahil doon. Hayss, bakit sa araw na 'yon pa. I don't have the right to complain because I find it cute knowing that he will help her mom pero napaka wrong timing lang.

Akala ko pa naman makakasama ko siya sa mga oras na 'yon. Argh, bakit ba kasi hindi na niya ako pinapansin lately. Nakakapanibago talaga hindi pa naman kami close para tanungin ko siya sa mga bagay bagay.

"Ellie, okay ka lang?" Isa pa 'tong si Marius e.

Lately nagiging malapit na rin kami sa isa't isa, nakakapanibago din paso napakabilis ng pangyayari. Kaibigan siya ni Kendrick at hindi ko alam kung bakit ako naiilang sa kanya. Ang daming nangyayari sa 'kin nitong mga nagdaang araw. 

"Oo." Maikling sagot ko at ngumiti na ikinatuwa niya naman.

Pagtingin ko sa kaliwa ko para sana kunin na ang papel, hindi ko inakalang nakatitig pala sa 'kin si Kendrick at nagulat ako sa ginawa niya. Ngumiti siya sa akin. Shit, ngumiti nga siya sa akin ulit. Ewan ko ba, pero masaya ako sa ginawa niya kahit mabilis niyang iniwas ang tingin sa akin.

"Hindi halatang excited ahhh." Nakangiti na tuloy ako habang nagsusulat ng pangalan ko kaya napansin ni Vina e.

"Hoy, malapit nang mag end ang freshmen year. Hindi ako makapaniwalang second year na tayo sa susunod." 

Break time. Nasa canteen kami at nag-uusap habang kumakain. Biglang binuksan ni Vina ang topic na iyon kaya iba iba ang mga naging reaksyon nila. 

Hindi ko na namamalayang matatapos na pala ang first year namin nang hindi ko na napapansin si Nate. For two years of admiring him from afar, I admit I still can't forget all about him, but I'm starting to remove him from my heart slowly but surely.

"Sabay ulit tayong mag enroll nina Vince ha."

Kumunot ang noo ko nang marinig ko na naman ang pamilyar na boses na iyon. Paglingon ko sa likuran ng mesa namin ay nakaupo pala sina Kendrick doon. Gosh, hanggang sa labas ay may malalaman pa rin ako tungkol sa kanila.

"Ano ka ba, masyado pang maaga para diyan." Rinig kong reklamo ni Aj.

Kambal nga talaga sila, ang lalakas ng boses pareho. Hindi na ako nag-abalang makinig pa kasi mukhang nang-aasaran na naman kaya lumalakas ang boses e. Mabuti nga maraming tao rito, hindi masyadong dinig ang mga boses nila pwera nalang kung katabi mo.

"Ken, ikaw din ha." Umigting ang tenga ko nang marinig ang pangalan niya.

Hindi ko nilingon ngunit sinigurado kong maririnig ko ang salitang isasagot niya sa mga kaibigan. Ang tagal bago siya sumagot pa.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now