Chapter 25
Kendrick Torres : Bakit? HAHAHAHAHAH
Shit, anong kalokohan ito?! Anong nangyari bakit ganito, papano nangyari ito.
Anong gagawin ko?! Hindi ko manlang magawang mag type ng mga salita kasi hindi ko alam ang isasagot at nanginginig na ako sa sobrang pagkataranta ko ngayon.
Ngayon ko lang napansing nakalike zone pala ako sa kanya. Paano, kailan, bakit....bigla kong naalala ang mga pinagsasabi ni Missy kanina.
"Missy, anong ginawa mo." Mahina ngunit ramdam ang inis ko sa kanya ngayon.
Hindi na ako makapara ng sasakyan dahil sa kaba habang nakatitig sa phone ko at kailangan kong mag reply kasi naseen ko na iyong message.
Kailangan kong magpaliwanag at maayos tungkol sa totoong nangyari para aware siya.
Ellie Rivera : Halaaa hindi sko may gawa niyan.
Ellie Rivera : Sorry HAHAHAHAHA
Shit, pwede bang balikan iyong dati, sisiguraduhin ko nang hindi mahahawakan ni Missy ang cellphone ko.
Agad kong binack nang nakita ko siyang nagseen ulit. Sa sobrang kaba ko ay na typo pa ako, nakakahiya.
I decided to wait for few minutes bago iseen 'yong reply niya para hindi mahalatang atat.
Kendrick Torres : Okay lang
Pagdating sa bahay ay agad kong binuksan ang message at medyo nalungkot ako kasi ang tipid niyang sumagot.
Sayang akala ko hahaba ang convo namin e hindi na siya nag chat ulit.
Pagkatapos ng huling mensahe niya ay wala na ring sumunod. But it doesn't matter, what matters is that I had a convo with him even just a very small one.
Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang convo.
Akala ko okay na pero ilang araw lang ang lumipas may nalaman na naman ako.
"Hindi ko pa siya kilala e. Hindi ko alam pa'no aalamin."
Kanina pa ni Missy kinekwento iyong tungkol sa girlfriend ni Kendrick, hindi manlang niya ramdam ang nararamdaman ko ngayon.
Napailing nalang ako sa pinaggagawa ng babaeng ito.
"Bakit mo pa inuusisa ang buhay nila e masaya na ang mga iyon," sagot ko, naiilang na sa mga pinaggagawa niya.
Masaya naman ako para sa kanya pero hindi ko lang masyadong iniisip kasi may kirot e.
"Bakit ba ganyan ka? Malungkot ka ba?" deritsahang tanong nito.
Mabilis ko siyang tiningnan dahil do'n. Nakita ko ang seryosong mukha niya na animo'y sincere sa pagtanong nito.
Pranka talaga ng babaeng 'to kahit kailan, minsan hindi na naiisip ang nararamdaman ng isang tao sa sobrang totoo nito sa sarili.
May nakita na naman siya sa story ni Kendrick, kamay lang niya tsaka ng babae tapos may heart.
"Ewan ko sa'yo. Cr lang ako," pagiiwas ko sa kanya. Nakakatamad makinig sa mahaba niyang chismis.
Pagdating sa banyo ay naghilamos muna ako para mahimasmasan. I look to my face at the mirror and checks it. I took a deep sigh as I remembered what happened last night.
Flashback
Tamang stalk lang ako rito sa kwarto at naghahanap ng mga impormasyon tungkol kay Kendrick at sa rumored girlfriend nito.

YOU ARE READING
Too Late, Ellie
Roman pour AdolescentsEllie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision she make. A girl who pushes herself too much to something she like. She was doing fine, not until she met a man. Will she be true to hersel...