"Hindi nga? Sure ka na si Anna ang nakita mo? Baka pinaglalaruan ka lang ng guni guni mo?." paniniguradong tanong sa'ken ni Luigi.
"Oo pre, sya talaga 'yun .. sya talaga. Kinausap pa nga nya ako eehh .." paliwanag ko. Sigurado talaga kong si Anna Sanchez ang nakausap ko. Ramdam ko ang pagdikit ng kanyang balikat sa aking balikat.
Pero ang ipinagtataka ko ay kung paano ako nagkaroon ng sulat sa aking kamay? Wala syang inabot sa'kin na kahit ano. Tanging pagtitig lamang sa kanyang mga mata ang aking ginawa.
*wind gently blows, continue to walk*
"Mornin'" *taps my shoulder, smiles* bati ni Josette.
"Miss President, ikaw pala." wika ni Luigi
"Tulala ka ata ngayon Kenneth, may nangyari ba?"
*looks at her* "Ah, ikaw pala Josette, may sinasabi ka ba?"
"AHH wala. Sabi ko bilisan na natin. Mahuhuli tayo sa klase."
*walks fast,grumps*
*whispers*
"Ano'ng problema nun?."
"Malay ko. Baka may dalaw siguro. Alam mo na .. buwanan."
... .. .. .
.. ... ..... .. .
Napapaisip pa rin ako sa mga nangyari. Si Anna nga ba ang nakita at nakausap ko? Di ko rin sigurado.
________________________________
~~*LUNCH BREAK*~~
*students chatting in the classroom and along the hallway*
*stretch my arms*
"Yosh !! ... mmmm ... makatambay nga muna sa rooftop."
Bigla ko naalala 'yung sulat.
"Oo nga pala. May gustong makipag kita sa'kin dun. Sino kaya sya?."
*Exits the classroom, goes upstairs and enters the rooftop*
"Hmm .. nasaan kaya sya.?"
*looks everywhere, saw Anna*
(Eh ? si Anna?)
"Ano'ng ginagawa nya dito?"
*wind gently blows*
Ilang sandali akong nakatayo at nakatitig sa kanya. Nararamdaman kong may gusto syang sabihin sa'kin. Gusto kong lumapit. Subalit di ko magawa dala ng takot ko sa mga nangyari.
*looks at me*
*gulps, tries to smile*
"H-hi .. ikaw ba ang nagbigay ng sulat?. Tsaka nakausap kita kanina sa daan. Bakit bigla kang nawala?"
*gets the paper on my pocket* "Eto yung sulat oohh -"
Bigla ulit syang nawala sa aking paningin.
*appears at my back, grins, puts out her fangs*
Nakaramdam ako ng pangingilabot sa nangyari. Tumayo ang balahibo ko sa aking batok. Hindi ko magawang lumingon kung andun sya sa aking likuran. Ga munggong pawis ang lumilitaw sa aking noo.
Natatakot na 'ko. Ayokong maniwala na totoo ang nasa isip ko. Ayokong nandito ang isa sa kanila upang muling inumin ang aking dugo.
*whispers*
"Humarap ka sa'kin Kenneth. Maniwala kang totoo kami. Totoo ang lahi namin."
*gulps*
"S-s-si-sige .. p-p-e-per-o-pero .. ipangako mong hindi mo ako sasaktan. Anna ..."
*smiles*
"Ipinapangako ko Kenneth, hindi kita sasaktan."
*turns around*
"H-hindi ... Anna .. isa ka ngang .. . ..."
BINABASA MO ANG
Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyama
Vampire"Vampires only exists in books and films. They are only but a fictions that created by man." Pero paano kung totoo nga sila? At ang maganda pa, isa ito sa mga kaklase mo? Paninindigan mo pa rin kaya na sila ay pawang kathang isip lamang? o tatanggap...