'Di pa din tumitigil sa pag iyak si Anna. Parang nawalan lang naman ako ng malay ehh.
"Ui, bakit umiiyak ka pa din?" tanong ko sa kanya.
"Ehh kasi, kinabahan ako sa'yo! nakakainis ka!" sambit nya sa'kin sa basag na boses. Hala?! diba dapat ako 'yung mainis dahil bigla na lang sya nawala sa tabi ko.
"Bakit? Parang nawalan lang naman ako ng mala---"
" 'Di ka na humihinga kanina..." pinutol nya 'yung sasabihin ko. Ahh kaya pala---
Teka?!
"Hala ka? pa'nong nangyari 'yun eehhh... masakit lang naman ang ulo ko??" tanong ko sa kanya.
"Di ko din alam. Basta nakita na lang kita na nakahandusay at wala ka nang malay. Wala na din ang tibok ng puso mo." sagot nya sa'kin habang pinupunasan nya ang luha nya.
Bigla ko naalala... 'yung sinabi ni Lenny sa'kin. Magdalena, Ryuusuke, mahal ko? sino ba sila ??
Napahawak din ako sa labi ko. Wala akong makapang marka ng kagat nya. Tsaka 'yung mga nakita ko. Panaginip lang kaya 'yun. Medyo magulo na ang nangyayari ngayon sa'kin.
"Ayos ka lang ba? may masakit pa ba sa'yo?" napatingin ako kay Anna at shoootttt!!!... 1 inch away lang ang pagitan ng mukha namin!
*blush, looks down and nods*
*smiles*
"Buti naman. Basta... 'wag mo 'kong iiwan aahhh?"
"Huh? sino ba'ng may sabi sa'yong iiwan kita?" tanong ko. "Eehh samantalang ikaw 'yung nang iwan dyan." dagdag ko.
"Eeehhh... naattract ako sa fountain banda dun eehhh..." sabay turo sa fountain. Parang bata.
"Pinag-alala mo 'ko. Loko ka, napaisip tuloy ako kung baka may masamang mangyari sa'yo." tugon ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyama
Vampire"Vampires only exists in books and films. They are only but a fictions that created by man." Pero paano kung totoo nga sila? At ang maganda pa, isa ito sa mga kaklase mo? Paninindigan mo pa rin kaya na sila ay pawang kathang isip lamang? o tatanggap...