Ika-Sampung na Kagat: Alinlangan

184 3 0
                                    

*gulps*

"Bakit? may problema ba ha Kenneth?." Malumanay na tanong sa'kin ni Anna. "Namumutla ka ata? Bakit? may bumabagabag ba sa'yo?"

*shooks my head, tries to smile*

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kaba at takot. Hindi. TAKOT ang namumutawi sa akin ngayong mga oras na 'to. Di ko alam kung bakit pero ... si Anna nga ba talaga 'yun.?

*stomach growls*

"Ehehehe ... di pa pala ako nag la-lunch ... sige Anna. Wala ka naman atang kailangan sa'ken ngayon. Mauuna na 'ko. Sig--

*touch the end of my polo, looks at me*

"Bakit?"

*continue to stares at me, grins*

*blush a bit*

Bigla syang ngumiti sa'kin. Di ko alam kung ano ba'ng gusto nyang sabihin. Ang cute nya. Naaakit ako sa kanyang mga mapupungay na mga mata.

*wind gently blows*

"Bumalik ka dito pag nakabili ka na ng pagkain mo. Aasahan kita dito. Okay?"

Napatango na lang ako. Agad akong bumaba at nagpunta sa Cafeteria. Andun pa rin ang takot ko. Nag aalinlangan akong bumalik, baka kasi kung ano pa ang maging issue pag may nakakita sa'min.

Ngunit di ko maiwasan. Ayaw ng isip ko pero kusang gumagalaw ang katawan ko base sa sinabi nya. Pilit kong nilabanan ang galaw ng katawan ko pero 'di ko magawa. Wala na lang akong nagawa kundi tanggapin na kailangan kong makipag kita sa kanya sa rooftop.

*looks at me, smiles*

"A-andito na ko Anna."

*tries to smile*

"Oh ... maupo ka sa tabi ko." tugon ni Anna sa'kin. Bahagya syang umurong para mag iwan ng espasyo sa'kin.

*sits beside her*

*yawns, opens her lunch box*

Nakita ko ang baon nya. Mukhang masarap. Nais ko sanang tikman kaso baka magalit sya. Nakakatakam talaga ang side dish nya.

"Hmmm ... marunong ka pala mag luto Anna." wika ko.

"Ah oo ..." *smiles* "Ako lang kasi ang mag isang namumuhay sa bahay." sagot nya sa malumanay na tinig.

*opens plastic, starts to eat the bread*

*starts to eat the lunch as well*

"First time ko kumaen ng may kasabay. Kadalasan ako lang mag isa ang kumakaen." Nasabi ko ng di inaasahan sa kanya.

"Talaga?" manghang sagot nya. Di ko alam kung pang iinsulto ba 'yun o ano. Ayoko na lang intindihin.

*nods, continue to eat*

"Wala kasi 'yung kapatid ko at mama ko. Madalas nyang kasama 'yung mga kaibigan nya at si mama naman, nasa trabaho."

"Eh ang ama mo?"

*shooks my head, continue to eat*

"Namatay sya nung maliit pa 'ko sa isang aksidente."

"Oh, I'm sorry to hear that then."

"Ayos lang." *smiles* "14 years na din ang lumipas."

"Hmm ... ako dati madalas ko sila kasalo sa pagkain."

*continue to eat*

"Agahan, tanghalian at hapunan. Masaya kami lagi. Kahit sa kubo lang kami nakatira. Gulay, kanin at isda ang ulam namin nun. Bihira lang kami makatikim ng karne."

"Wow naman. Halatang masaya kayo. Teka, na'san na ba sila?"

*tear falls, shooks her head*

"Ganun ba? pasensya na kung natanong ko 'yun."

"Ayos lang. Tulad ng sa'yo matagal na panahon na rin ang lumipas."

"Hmmm ... Anna ..?"

"Bakit?" *looks at me*

Natigilan ako sa gusto kong itanong sa kanya.

Sa 'di inaasahang dahilan ay bigla akong nag alinlangan sa gusto kong malaman. Ang mukha nya. Ang mukha ng babae sa panaginip ko. Ang mukha ng babaeng humarang sa'kin sa daan.

Iisa ang mukha nila. Sino ba talaga si Anna? Hindi pa rin malinaw sa isip ko kung kabilang sya sa mga hinala ko. Nakita ko na sya nun ... nakausap ... pero bakit di ko pa rin kayang paniwalain ang sarili ko?

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon