Naging masaya ang buong araw namin sa Amusement Parks nang magkasama sama ulit kami. Mga bandang 4pm na kami ulit nagkita kita sa entrance tulad ng napag usapan. Puro mga picture pa nga kami habang naglalakad gamit ang digicam ni Clarize.
Halos masuka suka sina Luigi at Josette nang sumakay kami sa Roller Coaster, mahiluhin pala silang dalawa. Hehe. Enjoy din sumakay sa iba't iba pang rides tulad ng Bumper Car. Puro tawanan at sigawan ang mga pinaggagawa namin.
Matapos ang lahat ng 'yon ay napag desisyunan namin na magpapicture. Buong tropa. Sinet up ni Clarize 'yung digicam nya para sa automatic shot at nagpose kami. Souvenir din 'to kasama sila sa isang napakasayang araw na 'to sa buhay ko.
Simula din nang makilala ko si Anna ay nag iba na ang takbo ng buhay ko. Ibang iba sya kumpara sa mga ordinaryong babae, 'di dahil sa isa syang bampira, iba lang talaga 'pag kasama ko sya, parang pakiramdam ko... matagal ko na syang kilala.
Napagpasyahan na din namin na magliwaliw pa nang kaunti kaya't pinuntahan namin ang Fountain na sinasabi ni Anna. Palubog na ang araw at mas maganda ang Amusement Park 'pag palubog na ang araw.
"WOW!! Ang ganda naman dito!!" sambit ni Clarize.
"Oo nga!" tugon ni Lenny.
"Buti na lang nagpaabot tayo ng gabi dito, napakaromantic." wika ni Josette tapos bigla syang nagblush.
*blush as well*
"Ui, tahimik ata kayong dalawa?" sambit ni Toria sa dalawa. Napansin nya.
"Aahhh.. wala... we're just enjoying the scenery here." sagot ni Luigi habang lumalayo ng kaunti kay Josette. Sus, halata.
"May nangyari ba?" pagsususpetsang tanong ni Clarize.
"W-wala naman.. bakit?" hhmmm ... papahalatang sagot ni Luigi.
"Talaga lang ahhh??" nakangising tugon ni Clarize sa dalawa. Mas lalo silang nag blush na dalawa.
"Oh, kayo naman! musta naging date nyo?" baling ni Josette sa'ming dalawa ni Anna.
"Ayos lang... tsaka friendly date lang 'yun noh?!" sambit ko at napatingin ako kay Anna. Friendly date nga lang ba? Aaminin ko masaya akong kasama ko si Anna na kaming dalawa lang.
"Talaga? Eehh ano 'yung kiss sa cheeks?" nakangising tugon ni Luigi.
BINABASA MO ANG
Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyama
Vampire"Vampires only exists in books and films. They are only but a fictions that created by man." Pero paano kung totoo nga sila? At ang maganda pa, isa ito sa mga kaklase mo? Paninindigan mo pa rin kaya na sila ay pawang kathang isip lamang? o tatanggap...