"Ah! ano ... ano yan ... kagat 'yan ng lamok ! oo TAMA ! kagat yan ng lamok!"
*pretending to smile*
"Hmmm ... talaga lang aaaahhhhhh ... sa bagay ganyan din ang pantal 'pag nakagat ka ng lamok." tugon ni Clarize.
"Oh sya ,tara na ..." sabi Luigi. "May bagong bukas na Arcade Shop malapit dito. Gusto mo muna dumaan dun ha?"
"Pass muna 'ko pre ... ako kasi ang nakatokang magluto ng hapunan ngayon." tugon ko. "May School Activity kasi ngayon si Mae at malelate sya ng uwi. Si mama baka mag overtime ulet yun sa trabaho. Tiyak pag uwi nung mga yun mga gutom yun."
"Wow, siguro masarap ka magluto noh?" tanung sa'ken ni Clarize.
"Hindi naman masyado. Nagpapraktis pa rin ako magluto hanggang ngayon. hehe... sige pre .. Clarize, mauuna na 'ko. Kita kits na lang bukas ! bye!.."
*salutes, walks away*
"Sige, ingat sa'yo."
~~~*Exits the Campus*~~~
*walks towards the market*
"Ano kaya'ng masarap na hapunan ngayon?"
*points the dagger in my back*
"Wag kang kikilos ng masama, sumama ka sa'ken sa isang eskinita. Bilis!" tugong ng taong nasa likod ko.
*gulps, nods*
"Si-si-sige po!" sagot ko. Sumunod ako sa ipinag uutos nya sa takot ko na baka magkaroon ako ng gripo sa aking tagiliran.
*enters*
"Ano, ano ba ang kelanga –"
*SHOCKED*
(Anna?! bero bakit?)
"Nandito ako para makipag kasundo sa'yo. Alam ko na nakita mo ang lihim ko. Kaya kung pwede, 'wag mo sanang ibulgar ang lihim ko! nakikiusap ako sa'yo. Ayokong may matakot sa'ken dahil sa isa akong .... isa akong ...."
*close fist*
"Naiintindihan ko. At bilang klasmeyt mo, 'di ko sasabihin sa iba ang tungkol sa'yo."
*smiles*
"Talaga? sige! ... aaahhhmmm ... ano, pwede ba kitang maging kaibigan ko Kenneth?"
"Ah, sige. Well 'di naman ako natatakot sa'yo. Alam ko panaginip lang lahat ng nangya -"
"Totoo lahat ng 'yon. Mula kaninang lunchbreak na nangyari sa loob ng Storage Room, hanggang sa rooftop. Totoo ang lahat ng 'yon"
"So, itong markang nasa braso ko ...."
*nods*
"Ako ang gumawa nyan sa'yo upang ang lahat ng nangyari sa'yo kanina ay maging panaginip lang."
"Ibig sabihin, Anna ... isa ka nga talagang ..."
Pintig na lang ng aking puso ang tanging naririnig ng mga oras na 'yon. Dahil sa mga sinabi nya sa'kin ay napatulala na lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ng mga oras na 'yon. Inakala ko na sa mga libro at pelikula lang ang mga katulad nya. Pero nagkamali ako, totoo sila. At ang ebidensya ay ang marka ko sa aking kaliwang braso, at ang mga nangyari sa'ken ngayong araw na 'to.
*gulps*
"Sige, kelangan ko pang mamalengke. Ako kasi ang nakatokang magluto ng hapunan ngayon. Bukas na lang ulet. bye."
*exits, walks away*
(woah ! ... akala ko holdaper na ... tsk .. nakakatakot talaga sya. Nyay!)
Nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa kanya. Subalit hindi ko pa rin maalis sa isp ko ang mga nangyari sa'ken mula kaninang umaga. Ayokong maniwala, pero, parang tinutugon ng isip at puso ko na heto talaga ang katotohanan. Kasama kong namumuhay dito sa mundo ang katulad nyang tinakasan na ng kamatayan.
BINABASA MO ANG
Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyama
Vampire"Vampires only exists in books and films. They are only but a fictions that created by man." Pero paano kung totoo nga sila? At ang maganda pa, isa ito sa mga kaklase mo? Paninindigan mo pa rin kaya na sila ay pawang kathang isip lamang? o tatanggap...