Diary Entry #09

71 2 0
                                    

Ika-04 ng Hunyo, 1807

Tatlong taon na din buhat ng dumating kami ni Ryuusuke dito sa Inglatera. Marami akong natutunan sa mga bagay dito. Kung paano mamuhay ng normal at 'di kakaiba sa mga mortal. Tahimik lang kami na namumuhay dito sa aming tahanan kasama ang iba pang miyembro ng pamilya.

Masaya kaming lahat dito. Kahit na kami-kami lang ang nakakakilala. Minsan ay may isang ginoong lumapit sa akin at binalak hingiin ang aking kamay subalit ako'y tumanggi. 'Di ko maikakailang may magkakagusto sa aking gayong ako'y iba sa kanila. Hindi nila ako dapat gambalahin.

Ninais kong lumipat ng ibang lugar subalit hinikayat ako ni Ryuusuke na manatili dito sa aming tinutuluyan. Kailangan ko lang daw ang makibagay sa mga mortal para di ako mahalatang iba sa kanila.

Oras na ng aming hapunan. Hanggang sa muli aking talaarawan.

~ Victoria

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon