Ikalawang Kagat: Ang Simula ng Lahat

442 6 0
                                    

*BAAAAAGGGG!!! BAAAAGGGGGG!!*

"Hoy kuya! malelate ka na !!" sigaw sa akin ng kapatid ko.

"Babangon na! tsk! sakit ng ulo ko. Napalakas yung tama ko sa sahig. Hay, moment ko a

'yun. Sayang."

Simula na pala ng bagong term ngayon. Second year college na ako.

"Hhhhmmmm ... misteryoso yung panaginip ko. Pero maganda sya."

Pumasok ako sa banyo para maligo. Tapos nagbihis, kumaen, inayos ang mga gamit at nagpaalam para umalis.

Malalim pa rin ang iniisip ko tungkol sa babaeng napaniginipan ko, nang biglang ... may

umihip na malakas na hangin sa aking harapan.

Saglit na napapikit ang aking mga mata at napadilat. Patuloy sa pag ihip ang hangin. Ilang sandali pa ay nakita ko, ang isang babae na nakatitig sa aking mga mata. Mapungay ang kanyang mga mata, katulad ng mag mata ng babaeng nasa panginip ko. Ngunit nagtaka ako kung bakit kulay pula ang mga ito.

Di ko maaninag ang mukha nya dahil sa pag ihip ng hangin at tumatama sa aking mukha. Ninais kong lumaban sa hangin subalit napatigil na lang ako. Bigla ko naramdaman ang pag hawak nya sa aking mga balikat.

"Akin ka lang." bigkas ng kanyang mga labi.

Di ko narinig ang kanyang boses.

Ilang segundo rin ang lumpipas na paralisado ang katawan ko na parang matagal na

panahon ang naklipas dahil sa lakas ng hangin na umiihip sa akin.

Di ko magawang lumingon, nang biglang ...

"Uy ! Kenneth! tulala ka diyan aaahhh!??"

"Aaahhhh!!! Luigi ... ano kasi, may -"

nawala ng parang bula ang babae at ang hangin.

"ANO!!! may hangin kanina na sobrang lakas! napatigil ako ... di mo ba ramdam kanina?"

"Huh? ano ba sinasabi mo dyan ? Tulog ka pa ata eehhhh ... wala kayang hangin dito ... kanina pa kita tinatawag kaso di mo ako pinapansin. hhhmmm .. tara na !"

Sabay akbay sa aking balikat at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Sakto magisismula na ang klase nang pumasok kami. Sakto ang oras. 9:00am na. Pumasok si Mr. Tamayo.

"Magandang umaga sa inyo. Ngayon, may bagong lipat na estudyante dito sa ating Uniberisdad. Maaari ka nang pumasok hija."

Napatulala ang lahat sa ganda ng bagong lipat na estudyante.

"Ako si Anna Sanchez." sambit ng malumanay nyang tinig."Galing ako sa bansang England.Dito nadestino ang aking kuya sa kanyang trabaho kaya dito ako mag -aaral. Pareho kaming pilipino ng kuya ko kaya marunong ako ng wika dito. Ikinagagalak ko kayong makilala." 

Saglit akong napatingin sa kanya at nakuha nya ang aking atensyon. Bigla ay naaakit ako sa mapungay nyang mga mata. Sumagi ulit sa isip ko ang babae sa panaginip ko at ang babae sa daan.

Ilang saglit pa, nakarinig ako ng isang bulong mula sa aking isip.

"Lumapit ka dito, halika." bulong sa akin. "Di ka pagmamay ari ng iba dahil akin ka lang."

Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Dumilim ang paligid ko. Tanging ang sarili ko at sya ang nakikita ko. Unti unti nagkakalapit ang distansya namin. Mapapatayo na sana ako sa aking kinauupuan nang bigla akong sikuhin ni Luigi.

"Wow! Pare!" pagkamanghang bulong nya sa akin. "pagkakataon ko nang magka Girlfriend ! Ang ganda nya ooohhh?! tapos ang seksi ar ang kinis pa ng balat ! parang nyebe sa puti !"

"Tumigil ka nga." sambit ko. "Kaya natatakot sa'yo ang mga babae dito eehhh."

Nang matapos ang pagkakakilala, ay hinikayat ng aming Professor na umupo. At katulad sa aking panaginip ay naupo sya malapit sa akin.

"Mukhang magiging kakaiba ang term ko ngayon aaahhhh."

bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa bagong lipat na estudyante.

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon