Diary Entry # 03

165 2 0
                                    

Ika- 4 ng Pebrero, 1746

Isang ordinaryong araw. Tumulong ako kay Inang sa bukid para sa aanihing mga palay para ipagbili sa bayan.

Tirik ang araw kanina, sunog na ang aking balat dulot ng pagbababad sa bukid. Pagkatapos nun ay niyaya ko ang aking amang na pumunta sa dagat. 

Nagtampisaw ako sa tubig. Pinagmasdan ko ang pinong buhangin. Kasabay nun ay may namataan akong isang katawan. Katawan ng isang lalaki. Tila di sya taga dito. Iba ang kanyang kasuotan. 

Ngayon lang ako nakakita ng isang dayuhan. Singkit at mapungay ang kanyang mga mata, at nakakabighani ang kanyang mukha.

Teka, mukhang magkakamalay na sya. Aandap andap na rin ang aking ilawin. Hanggang dito na lang muna.

~ Magdalena.

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon