Diary Entry # 07

84 1 0
                                    

Ika- 16 ng Pebrero, 1807

Apat na taon na din mula nang mangyari ang pagbabago sa buhay ko. Syam na pu at limang taon na 'ko nung naging ganito ako. Ang kaso sa edad kong iyon ay nananatili akong bata na edad dalawampu't tatlo. 

Nagtataka akong 'di ako tumatanda, natatakam na rin ako sa dugo, mas nararamdaman kong kinakailangan ko pang lumayo sa ibang tao, at dahil sa wala na ang aking pamilya, napagpasyahan kong lisanin ang lugar na aking kinalakhan at pumunta sa Inglatera kasama si Ryuusuke. Lulan kami ng isang barko na naghahatid ng mga kalakal nila.

Malamig na din ang aking katawan. At may mga pangil na din ako tulad ng kay Ryuusuke. 'Di na din ako pangkaraniwan. Natutulog na din ako sa ataul gaya nya. At mas gising kami sa gabi.

Sa ngayon ay ito na lahat ang aking mailalathala. Nais ko pang tapusin ang aralin na aking pinag-aaralan. Nandito na pala ako sa bansang Inglatera ngayon.

Hanggang sa muli aking talaarawan.

~ Magdalena o Victoria 

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon