Ika-Tatlumpu't Tatlong Kagat: Kyosuke Mitsukashi

69 2 0
                                    

"Pinuno, may bisita po kayo." hikayat ni Kali, isa sa mga tapat na tauhan ni Ashmai.

"Sino sya?" tanong ni Ashmai.

"Si Kyosuke po." sagot nito.

"Papasukin mo..." tugon nya habang nakatingin sa dyaryo na kanyang binabasa.

*opens the door, enters*

"Oh, it's been a while Kyosuke." bati ni Ashmai pagkapasok nito.

"Hisashiburi ne... Ashmai." (It's been a while) bati nito.

"Ano'ng meron at napadalaw ka?" tanong nito habang patuloy sa pagbabasa ng dyaryo.

"Wala naman. Naisip ko lang dumalaw dito sa maliit na lungga mo." tugon nito habang papaupo sa sofa.

"Talagang lungga aaahhh."

"Bakit? ano gusto mo? Headquarters?" 

"Hindi naman." inadjust nya ang salamin nya sa mata at tumayo.

"Kamusta na? matagal na panahon na din mula nang makilala ka ni Magdalena." tanong nito. "May pinagbago ba sya mula nang mawala si Ryuusuke?"

"Ayos lang naman. Eto, patuloy ang pagtanda. Malaki ang ipinagbago nya." tugon nito. "Umpisa nang mawala si Ryuusuke, hindi na sya madalas magpakita sa'kin." dagdag pa nya.

"Alam na ba nya?" tanong nito.

"Ang alin?"

"Malapit na ang crescent moon Ashmai. Alam mo na iniiwasan mo ang magkagulo. Iyon ang kritikal na araw na .... kinakalaban natin maging ang sariling lahi natin." 

"Hindi pa, katunayan, hindi pa lubusang nakakainom si Magdalena ng dugo ng tao. Mula nang maging bampira sya ay laging dugo ng hayop ang kanyang natitikman."

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon