Matapos ang kainan namin ay nagbanlaw na kami at nagbihis. Syempre kelangan pa sibakin ang mga kahoy. Tsaka konting pahinga muna. Maghahanda na din kami para sa Bonfire mamaya.
Binungkal na ni Luigi 'yung paglalagyan ng kahoy mamaya sa tabing dagat. Ako naman ang nagpunta sa basement para sibakin 'yung mga kahoy.
*gets the axe and cuts the woods into half*
Mainit pala dito sa ilalim. Kaya ayun! naghubad muna ako ng T-shirt ko para malamigan kahit konti. Kaso bigla akong kinilabutan nang biglang may humawak sa'kin na malamig. WEW!!!
*shivers*
"Nak ng tokwa! 'kaw lang pala Anna! Akala ko multo na!" paghihimutok ko. 'Kaw kaya hawakan ng walang pasabi tapos mag isa ka lang dito.
"Hehehe.. kinilabutan ka ba?" tanong nya.
"Hindi naman," sagot ko.
*continue to cut the wood into half*
*stares*
"Bakit? may problema ba? tsaka bakit 'di ka sumama dun kina Josette?" tanong ko habang patuloy sa pagsisibak ng kahoy.
"Wala naman. Gusto lang kita samahan dito, bakit may problema ba?"
"Wala naman, kaso baka maging issue ulet 'to. Alam mo na."
*blush, continue to cut the woods*
*blush as well, looks down*
Ang awkward namin dito sa basement. Kaming dalawa pa dito. Sana naman walang mangyari! NAKU DI KO NA KAKAYANIN 'PAG MAY NANGYARI PA!
Saglit kami naging tahimik. Naupo sya sa tabi dahil may upuan dun. Patuloy pa din nya akong pinagmamasdan habang nagsisibak ako ng kahoy kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.
"Aahhmmm, Anna?"
"Bakit?"
"Pwede ba magtanong? Kung ayos lang?" sambit ko, mas OK na siguro kung ngayon ko na itanong. Baka may mangyaring di maganda eeehhh...
"Ano ba 'yun?" tumingin sya sa'kin with her concern eyes, nakakaintimidate talaga ang pungay ng mga mata nya at ... ang sexy nya sa suot nyang dress. Bagay sa maputi nyang balat!
"Ahh, ano, kasi ...."
*gulps*
"HHmmm?"
"B-bakit napaka importante sa'yo ng halik na 'yun? Kung pwede lang malaman, aaahhmmm .. kung ayaw mo sabihin ayos lang."
*looks down, blush hard*
"A-ano kasi eehhh ... actually, that kiss would be given to the person I really love, kaso nahalikan kita kaya ... aahhmmm ... kelangan mo pa-panagutan 'yun." nag stutter sya sa sagot nya. Wow ...
"S-so, ibig sabihin di ka nagbibiro sa kasal na si-sinasabi mo?" naku po! parang sa halik na 'yun nabuntis ko sya aahhhh .. 0o0
*nods*
Naku! pa'no kaya 'to?!
"At ngayon, Girlfriend na kita ganun ba?!" naku naman!!!
"P-parang ganun na nga ... p-p-pero kung ayaw mo, ayos lang ... aaahhhmmm ... naiintindihan ko naman eehh."
"H-hindi naman sa g-ganun, ano kasi ...."
"Kenneth?"
Napatingin ako ulet sa kanya, at ngayon di ko namalayan na nakalapit na pala sya sa'kin. 1 inch na lang ang layo ng mukha namin! []WWWWAAHHH!!!
"Ipangako mo sa'kin na ... ako lang, maaari ba?"
"A-anna .. ano kasi eeehhhh ..."
*gets his hand ang puts it between her chest*
BINABASA MO ANG
Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyama
Vampire"Vampires only exists in books and films. They are only but a fictions that created by man." Pero paano kung totoo nga sila? At ang maganda pa, isa ito sa mga kaklase mo? Paninindigan mo pa rin kaya na sila ay pawang kathang isip lamang? o tatanggap...