Diary Entry #10

68 2 0
                                    

Ika-25 ng Oktubre, 1809

 

Nalaman ko na may nangyaring 'di maganda sa isa sa mga angkan ng kilalang matataas na Burgeoius dito sa Inglatera. Nawala lahat ng dugo ng buong angkan sa kanilang katawan, kasalukuyan itong iniimbistigahan ng mga alagad ng batas. 

 

 

Nangangamba na akong baka malaman na ng mga tao dito sa Inglatera ang lihim ng pamilya namin. Tanging kami lang ang umiinom ng dugo dito sa Inglatera at wala kaming alam sa iba pa naming kasamahan. 

 

 

 

 

Pinaalalahanan na din ako ni Ryuusuke na maging maingat ako sa aking mga ikinikilos upang walang maghinala sa amin na isa kami sa mga nilalang na tinatawag na "Bampira".

 

 

 

Hanggang dito na lamang at may pagpupulong ang buong pamilya sa bulwagan ng aming tirahan.

 

 

~ Victoria

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon