Diary Entry #02

234 2 0
                                    

 IKA- 9 ng Disyembre, 1745

Kaarawan ko ngayon. Dalawampu't taltong taong gulang na ako. Tatlong buwan na rin mahigit mula nung umalis sya upang mag aral.

Noong Ika- 10 ng Nobyembre sa kasalukuyang taon sya nagpadala sa'ken ng liham upang kamustahin ako dito.

Patuloy ako sa paghihintay ko sa kanyang pagbabalik. Sana'y nasa mabuti syang kalagayan ngayon. Alam ko na nasasabik din syang makita akong muli.

Siguro ay marami syang pinagkakaabalahan ngayon kaya 'di sya nakapagpadala ng liham sa akin. Sa ngayon, masaya naman akong ipinagdiriwang ang aking kaarawan.

Aandap andap na ang aking ilawin. Hindi ko na maipagpapatuloy ang aking pagsulat dito sa aking kwaderno ng talaarawan. Hanggang dito na lang muna.

Magdalena.  

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon